26 - Elope

26.8K 837 239
                                        

AVA


"Love, are you mad at me?" nag-aalalang tanong ko kay Trixie habang lulan kami ng sasakyan. Kanina pa siya tahimik, and the deaf silence between us drove me crazy. Alam ko ang rason kung bakit siya tahimik. She was still upset about what happened earlier. Hindi ko maiwasang malungkot lalo na't hindi ako sanay na ganito siya. "Trixie, please talk to me. Alam kong galit ka. Please, kausapin mo ako,"

"Ava, hindi nga ako galit sayo." sagot niya nang hindi man lang ako sinulyapan.

"Galit ka nga,"

"No I'm not."

"Yes you are."

"No, I'm not." she glance at me. "Mamaya na lang tayo mag-usap, okay?" aniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Nalungkot ako. Huminga ako ng malalim at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

"Stop the car." maya't-mayang sabi ko.

"Why?"

"I said stop the car."

Nagtataka man ay itinigil naman niya ang kotse. Itinabi niya yun sa madilim na bahagi ng highway. "May problema ba?"

"Oo, galit ka sa'kin. Yun ang problema ko."

"Ava, hindi nga ako galit."

"Magsabi ka ng totoo, hindi ako matatahimik dito hanggat hindi mo ako kinakausap ng maayos, hindi ako sanay na ganyan ka sa 'kin. Paano ko ba malalaman kong galit ka ba o hindi?"

"Nagtatampo ako sayo." pag-amin niya.

"Eh di parang ganon narin yun."

"Love, iba ang galit sa nagtatampo. It hurts you know."

My heart sorrowed. Sabi ko na nga bang tungkol sa nanyari kanina ang ikinaganyan niya.

"I'm really sorry, Trix. I'm really sorry for a thousand times." i said, yumuko ako para itago ang mukha ko.

"Hey..." inangat niya ang chin ko. "It's okay, naiintindihan ko naman kong hindi ka pa ready mag-pakasal sa akin."

"No, it's not okay. Palagi mo nalang sinasabi na; It's okay, it's alright, I understand, kahit alam kong gaano kasakit para sayo ang ginawa kong pag-tangi sa proposal mo."

"Love..." tanging sagot niya.

"Ang sama ko. Ang sama-sama ko." tuluyan ng umalpas ang luha sa mga mata ko. "I'm really really really sorry, Trix." Lumipat ako ng upo sa lap niya at yumapos sa leeg niya. "Mapapatawad mo pa ba ako?"

"Depende."

"Depende saan?"

"Depende kung sasabihin mo sakin ang totoong rason kung bakit biglang nagbago ang isip mo."

Those words froze me. Sasabihin ko ba sa kanya?

Oo, dapat lang. Hindi ko habambuhay maitatago sakanya ang tungkol sa plano ng magulang ko para sa amin ni James. Ayokong mag-lihim.

Pinunasan ko ang luha ko at nag-ipon ng lakas. It took seconds bago ako nagsalita.

"James came back."

Trixie's aura changed, nanlaki ang mata niya. "That fucking rapist!?"

Tumango ako habang kagat ang ibabang labi. "H-hindi ko akalaing totoohanin niya ang binitawan niyang salita dalawang taon na ang nakalipas."

"At ano naman 'yon?"

Inatake ng matinding kaba ang puso ko. "T-tungkol sa....sa kasal n-namin."

She stilled. "K-kasal?"

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon