25 - The broken proposal

29.2K 862 318
                                        


Patuloy parin sa paglandas ang luha ko habang nagdrive patungong Eden's garden.

Kakagaling ko lang sa mansyon ng magulang ko at tulad ng inaasahan ko, hindi maganda ang balitang hatid nila sa akin doon.

Feeling ko bumalik ako sa nakaraan, tila nag replay sakin ang lahat tulad 'nong nangyari dalawang taon na ang nakalipas....

"No! Hindi ako papayag, Ma!" mariin at puno ng galit na sabi ko sa ina. Nagulat ako ngayong umaga nang sabihin niya ang plano nila ni Papa na ipakasal ako kay James.

"At bakit hindi? Sa tingin mo hahayaan lang namin lumaki ang apo namin na walang kinikilalang ama?"

"Ma, hindi ko naman ipagkakait kay James ang anak ko. Napag-usapan na namin 'yan diba? Akala ko ba maayos na ang lahat?"

"Your father disagrees."

"What?" hindi ako makapaniwala, napasandal ako sa upuan at impit na kumuwala ng marahas na hininga. "Puwes hindi ako papayag!"

"Are you out of your mind, Avallaine? Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng mga tao? Na disgrasyada ka, ganon?"

"Wala akong paki-alam sa sasabihin nila, to hell I care!"

"Pero may responsibilidad si James na panagutan ka."

"But I don't need his damn responsibility. Mabubuhay ako na wala ang responsibilidad niya!"

"Avallaine!" anang dumadagundong na boses ng aking ama mula sa dikaluyan. Natigilan ako.

"Pa..." wika ko nang lumingon ako sa kinaroroonan nito.

"Have respect to your mother."

I clenched my fist and looked down. "S-sorry."

Lumapit si papa sa amin at tahimik na umupo sa harapan namin. I felt my knees shaking nervously, alam ko ang ganitong pakiramdam. I gulped and waited for his sentence.

"Nakausap ko na si James." anito, dahilan para mapa-angat ako ng tingin.

"P-pa..."

"Hindi matutuloy ang kasal."

Shock filled me upon hearing that from him. "A-anong ibig niyong sabihin, Pa?"

"Sinabi ko na kay James ang dapat kong sabihin."

I gulped again. Tama ba ang narinig ko?

"Alfonso." Ani mama kay papa. "Akala ko ba napag-usapan--"

"Hindi handa si Avallaine, Avira. I don't want to force our daughter in a commitment just because James in-pregnant her."

"At anong ibig mong sabihin? Hahayaan mo na lang ang ganun? Sa tingin mo'y papayag ako ng basta-basta?"

Hindi na umimik si papa, bagkos ay ibinuklat lang nito ang newspaper at tahimik na nagbasa. Gusto ko sanang maniwala sa sinabi nito, but I'm not convinced. Knowing my father, alam kong may iba itong pina-plano.

"I can't believe this." galit na sabi ng mama. "What kind of father are you, Alfonso? Anak mo ang dihado dito, malaking eskandalo ang mahaharap niya kapag nagkataon. Alam mo naman ang klase ng trabaho niya, expose siya sa media. Sooner or later if the media found out about her pregnancy, pagkakaguluhan siya, masisira ang image niya! Masisira ang kompanya natin!"

"Ma, for sure hindi naman mangyayari yun." kontra ko.

"No! You are going to marry James and that's final!"


Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon