AVA
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos naming lumabas sa exit door ng NAIA. Sa wakas pagkatapos ng halos dalawang taong paninirahan sa Arizona ay muli akong nakaapak sa pilipinas.
Walang nakakaalam sa pagbalik ko, not even my friends. Tanging si Tita Minerva lang ang nakakaalam sa aking pagbabalik.
"Mom, where are we?" rinig kong tanong ni Flynn. Napayuko ako sa kanya. Nakita ko siyang nakakunot-nuo habang pinasadahan ng tingin ang buong paligid.
"We're home, baby."
"Mom, stop calling me baby." bahagyang umasim ang mukha niya. "Are we in the Philippines?"
"Yes."
"What?" tumigil siya sa paglakad. "So it means no more snow? Ugh, I hate it here! I want to go home!"
"Flynn, I'm not in the mood on arguing with you right now, halika ka na naghihintay nasa atin yung sundo natin."
Flynn rolled her eyes. "Mom, stop calling me Flynn, my name is Fionna."
Napaikot ko rin ang mata ko. "Okay, Fionna let's go. Nasa labas na yung sundo natin."
"Okay." nauna na siyang naglakad.
"Fionna, the path is this way." i called her out. Tumigil naman siya at lumingon sa akin. "Come on your highness,"
My daughter groaned. Padabog siyang lumapit sa akin.
"Miss Ava!" napaingtad ako sa gulat nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Liningon ko ang pinangalingan ng boses at nakita ko si Janet, ang assistant ni Tita Minerva. Nakapwesto ito sa may waiting area at sa tingin ko'y ito ang susundo sa amin.
"Hi,"
"Hi din po, Ms. Ava." mabilis itong nakalapit samin at tinulungan akong bitbitin ang mga bagahe. "Long time no see po, kamusta po ka'yo?" she asked, saglit itong tumingin kay Flynn at ngumiti. "Hello baby! Wow ang laki mo na ah."
"Who are you?" mataray na tanong ni Flynn.
"Hindi mo ako naalala? Ako si Janet, diba ako yung kalaro mo dati sa tuwing sumama ka sa mommy mo?"
Flynn raised her eyebrow before shrugging her shoulders. "Sorry, but I don't remember you."
"Fionna." suway ko sa anak.
"What?" tumingin siya sakin habang nakataas parin ang isang kilay.
"Be nice to ate Janet."
Napabugha si Flynn ng hangin at tumingin kay Janet. "Hi ate Janet, it's so nice to meet you, even though I don't know you."
Tawang-tawa naman si Janet sa sinabi niya. "Ang cute mo naman." Makipaghigh-five sana ito sa kanya pero hindi ito pinansin ng anak ko. So rude.
"I'm so sorry about my daughter, may pms kasi 'yan." paunmahin ko kay Janet.
"Okay lang 'yon Ms. Ava, ang cute nga e, ang laki ng pinagbago, ganon na talaga mga bata ngayon, ang hirap i-analyze."
Natawa ako. She's right. Kids these days are so hard to analyze.
Sinundan ko ng tingin si Flynn na ngayon ay abala sa pagayos ng buhok.
Gosh, I just raised a brat.
"Eh ikaw naman ho? Kamusta po kayo?" tanong sakin ni Janet.
"I'm good. Ikaw? Kayo? Kamusta naman kayong lahat dito?" balik tanong ko. Tinulungan ko itong ipasok lahat ng mga bagahe sa compartment ng kotse.
"Maayos din naman po, heto tulad parin ng dati. We miss you having around, miss Ava."
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
