Naalimpungatan ako nang may narinig akong mga taong nag-uusap. Hindi ko matukoy kung sino, but their voice seems familiar.
"Is she going to be okay?"
"I hope so."
"Ikaw naman kasi Belle e! Bakit mo ba yan hinahayaang mag-isang uminom? You know how low her alcohol tolerance is."
"Duh, malay ko bang may balak yang mag-pakalasing? At isa pa bago ako umalis, I told her not to get drunk."
Narinig ko ang dalawang kaibigan kong nag-uusap. I gently opened my eyes, sinalubong ako ng silaw galing sa florescent light.
"Kahit na, you should have at least call me and--Ava, thank god! You're awake!" sambit ni Georgina nang makita niya akong nagkamalay. Lumapit siya sakin at mahigpit akong niyakap. Halos di na ako makahinga dahil sa ginawa niya. Isabelle on the other hand went outside, probably informing someone that I'd already woken up.
"Ouch George, I can't breathe."
"Sorry, we were just so worried about you." aniya matapos akong bitawan.
"Where am I?" I asked, confusingly, as I roamed my eyes around the place. Dahan-dahan akong bumangon at naguluhan nang mapansing may ilang kagamitan pang ospital doon. Napatingin ako kay Georgina. "Well, where am i?"
"You're in the hospital obviously."
"Hospital?" nagsalubong pareho ang kilay ko. "Bakit naman ako nandito?"
"Hindi mo matandaan?"
Umiling ako bilang sagot.
"Well, you passed out daw sabi ng manager mo. Nalaman lang namin 'yon nang tawagin niya kaming dalawa ni Belle."
Napakunot-noo ako. Oh, now I remembered.
"Wait you mean, si Tita Minerva ang naghatid sakin dito?"
Tumango si Georgina.
I'm still confused. How? Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Isabelle kasama si Tita Minerva; ang overprotective kong manager. Puno nang pag-alala ang mukha nito nang makalapit sa akin.
"God, Avallaine! Ano ba ang pinag-gagawa mo kagabi at nagkaganyan ka?"
I heaved a sigh. "It's a long story, Tita."
"Well, I have plenty of time to listen." umupo ito sa katabing sofa at mataman akong tinignan. "May problema ba?"
I looked away. I honestly don't want to talk about it right now.
"Belle, George? Can you leave us for a moment?" ani Tita Minerva sa dalawa kong kaibigan.
"Sure Tita, sa labas lang kami." sagot ni Georgina na agad sinang-ayonan ni Isabelle. Sabay silang lumabas ng kwarto at iniwan kami dito sa loob.
"Ava, sinabi sa akin ni Trixie ang buong pangyayari." wika ni Tita Minerva. "Tell me, what seems to be the problem?"
Umiling lang ako bilang sagot.
"Come on, Avallaine. Mag-salita ka nga. Nag-aalala ako sayo. I'm so thankful that Trixie was there, hindi ka niya iniwan kagabi habang nagpapakalunod ka sa alak."
Again, hindi ako nagsalita. Ano namang advice ang maibibigay nito kung sakaling sasabihin ko ang buong pangyayari? Even up to this day the pain in my heart is still roaming inside, and i'm going to blame James for doing this to me. Gusto ko tuloy umiyak ulit sa mga sandaling 'to.
"Buti tinawagan agad ako ni Trixie ng mawalan ka ng malay kanina. She told me that--Ava, are you crying?"
Di ko namalayang napa-iyak na pala ako. Agad kong pinunasan ang luha ko saka seryosong tinignan si Tita Minerva.
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romantizm~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
