Walang makapaglarawan sa sakit at lungkot na dinaranas ko mula nung umalis ang dalawang babaeng mahal ko.
Hanggang ngayon wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko. I'm being selfish and unfair; both Ava and Lovely don't deserve that. Pareho ko silang nasaktan nang dahil sa kagagahan ko at sana huwag nyong gayahin ang isang tulad ko.
Tama kayo, isa akong cheater at two timer; dapat sa mga katulad ko'y binabaon ng buhay. Deserve ko lahat ang mga pagmumura niyo, pero sana naman maintindiahn niyo na hindi ko intensyong maging ganito.
Sa loob ng ilang linggo ay madami akong thoughts at realizations. Salamat sa tulong ng pamilya ko't kaibigan; na walang sawang nagbibigay sakin ng advice kung ano yung tama at kung ano yung mali. They helped me to become a better and a more mature woman. Kahit na sabihing dalawang buwan lang yun, still, ang dami ko paring natutunan sa kanila.
It's been really tough for me. Hindi madali para sakin ang lahat ng 'to, lalo na yung oras kung saan kailangan kong magdesisyon kung sino kina Ava at Lovely ang pipiliin ko. Iba ang sinisigaw ng puso ko pero tutol naman dito ang isip ko. Both of my heart and my mind are battling with each other and I couldn't help but to get frustrated.
Sabi nang mama ko, piliin ko yung nasa puso ko at huwag mag-paimpluwensya sa sinasabi nang isip ko.
And now the time has come. She's the one. Siya na 'yung pinipili ko. Masakit man sa akin na bitawan yung isa pero sa tingin ko'y ito ang tama. I cried all night for this. Alam kong sobrang ko siyang masasaktan sa gagawin ko, pero wala akong choice kundi panindigan 'to. I'm ready to let her go.
****************
Nandito ako ngayon sa isang flower shop at kasalukuyang bumibili ng dalawang bouquet na bulaklak. Nabalitaan ko mula kay Georgina na dumating na raw si Ava noong isang araw, she said she's back at her house. Habang nabalitaan ko naman kay Lavender na dumating na daw si Lovely kahapon.
This is it. Dumating na yung oras.
Matapos kong makuha ang in-order kong mga bulaklak dumeretso agad ako sa town house ni Ava para puntahan siya.
Malakas ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Nasa harap na ako ng bahay niya. Huminga muna ako ng malalim bago kinatok ang pinto.
"T-trixie?" Ava looked surprised seeing me standing right in front of her.
"Hi." bati ko sa kanya.
"H-hello." Her beautiful face sequeled in happiness. "What are you doing here?"
Nginingitian ko muna siya bago inabot ang dala kong bulaklak. "For you."
Her cheeks reddened.
"T-thank you." Kinuha niya ang bulaklak at pagkatapos ngumiti. "Kamusta ka?" she asked. Bakas pa rin sa mukha niya ang saya.
"I'm fine. Ikaw, kamusta ka?"
"Ganon pa din. Uhm halika, pasok ka." niluwagan niya ang pinto para papasukin ako.
"Si Flynn?" tanong ko nang makapasok kami pareho sa loob.
"She's upstairs, natutulog." sagot niya matapos ilagay ang bulaklak sa center table bago humarap sa akin. "Naparito ka nga pala?"
My heart instantly hammered inside my chest.
"Uhm, gusto ko lang sana mag-sorry about the last time."
Ava smiled softly at me. "You don't have to, Trix. Napatawad na kita, matagal na."
"R-Really?"
She nodded. "Yes."
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
