A year and a half later....
"And the winner for Emmy's best actress goes to...Trixie Villanova!"
Nanlaki pareho ang mata ko. Oh god. Totoo?
"Trix, you won!" niyakap ako pareho nila Samantha at Cara.
"I..i am?" hindi parin ako makapaniwala.
"Yes silly. What are you waiting for? Go up there!" bahagya pa akong hinila ni Cara patayo dahilan para mapaalis ako mula sa aking kinauupuan.
Speechless ako habang naglakad sa aisle hanggang sa makatungtong sa ibabaw ng intablado.
"Congratulations, Trix." ani Ian Ladesma sa akin. Isa itong sikat na matinee idol. Nakipagkamay ito sakin bago ibinigay ang hugis diamond na statuette.
"Thank you." Kahit kinabahan ay nagawa ko paring ngumiti.
"The stage is yours." Pumuwesto ito sa gilid habang ako naman ay humarap sa mic habang nanginginig ang mga kamay. All of the audience eyes are on me at hindi ko maiwasang kabahan.
"Oh god, oh god I'm so speechless." yun ang unang salitang lumabas sa bibig ko.
Everyone laughed in amusement.
"Maraming, maraming salamat ho sa inyong lahat. I am extremely honored to received such a prestigious and important award like this; itong Golden Emmy Award." Ipinakita ko ang hawak kong statuette. "Gosh, hindi ko talaga inexpect 'to ngayon, but thank you. Thank you so much. Napakalaking bagay ho ito sa akin. It's like a dream come true."
Nagpalakpakan ang lahat ng audience.
"Salamat. And also winning this award would not have been possible without the inspiration I have received from my seniors and my colleagues for whom I have the deepest respect, and from whom I have derived the strength to challenge myself and perform better at each performance. Mom, Dad, my friends, I sincerely thank each of one of you for helping me reach a stage where I can proudly hold up this award as a mark of my achievement."
Mula sa bandang kanan ay sinulyapan ko sina mama at papa. I smiled at them. Sa bandang kaliwa naman nanduon naka-puwesto ang mga kaibigan ko. I smiled at them too.
"At higit din sa lahat, itong Emmy award na ito ay hindi lang para sa akin, kundi pati din sa inyo na mga fans ko na hanggang ngayon ay nandiyan parin at walang sawang nagmamahal at sumosuporta sa akin. I love you, guys. Mahal na mahal ko kayo, itong hawak ko ngayon ay para din sa inyo. Maraming salamat at magandang gabi."
Standing ovation at masigabong palakpakan ang natanggap ko sa mga taong nasa harapan ko. Lahat sila ay nakangiti sakin. All of them are cheering for my success and I can't help but to get emotional.
I'm so proud of myself, I just made history tonight. Ako ang pinakabatang aktres nakatanggap ng Golden Award ng Emmy's. Lima kaming pinag-pipilian at lahat sila ay mga batikang artista na gumagawa din ng malaking pangalan sa industriyang kinabibilangan ko.
Una, tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako mananalo, who wouldn't? Hindi basta-basta ang mga pangalang naging nominado sa award na hawak ko ngayon, mostly kasi sa kanila ay mga sought after actresses noong dekada 90's kaya hindi ako umasa. Being nominated was a huge blessing already, pero ang manalo? It's more than a blessing.
Bumaba na ako sa stage na may malawak na ngiti. Nakakataba sa puso ang iba't-ibang papuri ng ilan mga artistang nadito. I thank them so much whole heartedly at nakipagkamay sa kanila bago bumalik sa puwesto ko kanina.
"We are so proud of you, anak." sabi sakin ni Mama. Nasa tabi nito si Dad. Bakas sa mukha nila ang pagiging proud.
"Thank you, mom." Niyakap ko ito ng mahigpit. Ganon din si Dad.
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romans~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...