Sa isang rest house sa tagaytay ako dinala ni Trixie. Malaki at maganda ito, kitang-kita sa terrace ang malawak at kulay asul na dagat. Dalawang oras ang ginugol namin sa biyahe and i'm not sure kung safe ako rito. Natatakot ako baka mahanap ako ni James. Naalala ko yung pinag-usapan namin kanina. Sabi niya, kahit saang lupalop daw ako lalayo ay mahahanap at mahahanap niya parin ako. Knowing that devil, wala silang pinagkaiba ni papa. Gagawa at gagawa talaga sila ng paraan para gawin ang isang bagay na gusto nila. And speaking of that, kanina pa din ako balisa. Paano ba kasi? naiwan ko si Flynn. Sa lahat ba naman ang pwedeng maiwan ay ang anak ko pa? For sure by now my daughter is looking for me.
"Love, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Trixie. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Kagat labi ko siyang tinignan.
"I-I'm not."
"Wait, hindi mo ba nagustuhan dito?" she looked worried.
"No that's not what I mean. Si Flynn kasi....naiwan natin. And i'm worried."
Saglit tumahimik si Trixie at nag-isip. "Kung balikan na lang kaya natin?"
"No, hindi. Kapag babalik tayo doon baka makita nila ako."
Mukhang na-realize naman agad ni Trixie yun. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero sa huli ay hindi natuloy. Ako naman ngayon ang natahimik at nag-isip. Kapagkuwan may pumasok sa isip ko kaya't dali-dali kong tinawagan si Lindsay. Tatlong beses nag-ring bago sinagot.
"Hello, Ava?" my cousin answered.
"Lind, I need your help asap." pumasok ako sa loob ng kuwarto at umupo sa kama.
"O bakit anong nagyari?"
Ini-kuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyayari. Simula 'nong kay James at sa ginawa naming pagtatanan ni Trixie. Tulad ng inaasahan ko ay nagulat siya, and at the same time, nagalit.
"At iniwan n'yo pa ang pamangkin ko!?" inis niyang singhal sa kabilang linya. "Paano kung mapunta si Flynn sa kamay ng demonyong lalaking yun ha?"
"Kaya nga tinawagan kita, kailangan ko ang tulong mo. Kunin mo si Flynn sa bahay hangga't maaga pa. Make sure na hindi malalaman nila mama 'to, lalo na kay James. Ayokong mangyari yung sinasabi mo."
Lindsay sighed. "Alright, saang bahagi ng pilipinas ba kayo ni Trixie nagtanan?"
"Sa tagaytay. Luciana paradise."
"Okay, i'll be there right away."
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng pinsan ko. Kahit papano nawala yung takot sa dibdib ko. "Thank you so much, Lind. I owe you a lot."
"You're welcome. Huwag na kayong mag-alala, basta mag-ingat lang kayo ni Trixie 'dyan."
"We will."
"All right." inend na niya ang tawag.
After the call, ang yaya naman ni Flynn ang tinawagan ko.
"Ma'am Ava?"
"Nessy,"
"Ma'am, ikaw nga! Nasaan na ho ka'yo? Si Flynn kasi ayaw tumigil sa kakaiyak. Hinahanap ka."
"Shhh. Hinaan mo boses mo. Nasaan sya ngayon?"
"Nandito lang sya sa kuwarto. Nag-paiwan. Ayaw nya kasing sumama sa mama at papa niyo. Ayaw nya rin sa daddy nya kaya inatasan na lang nila akong bantayan sya."
Nakahinga ako ng maluwag. "Nessy, ayusan mo si Flynn ngayon. Pack her things. Susunduin siya ng Tita Lindsay niya diyan."
"Sige ho. Ano pa?"
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
