06 - Regret

44.9K 1.3K 246
                                        

Date published: 07/28/2016


AVA

I woke up this morning with a feeling of distress. Hindi ako mapakali. I only slept four hours, and I hate the fact that Trixie is behind it.

How? Well, siya lang naman 'tong laman ng buong isip ko magdamag, to the point na halos hindi na ako makatulog. Hindi ako mapakali sa pangbabalewala niya sa 'kin. It's been a week since I saw her at the hospital, at hindi ko maiwasang manlumo sa kaalamang iniiwasan niya ako.

Bakit ba ako na-aapektuhan? Dapat nga masaya ako kasi sa wakas wala nang mang-iistorbo sa akin. But why the sudden sadness?

Napabuntong-hininga ako. I feel guilty all of a sudden. Kasalanan ko din naman 'to; walang ibang ginawa si Trixie sa akin kundi alalayan ako 'nong panahong nasasaktan ako. She was there for me, but what did I do? Itinulak ko siya palayo, and I want to slap myself for being such a bitch.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa terrace. Sinalubong ako ng malamig na hangin. I felt a sudden déjà vu. I remembered the day when Trixie told me that she loves me. Of course I love her too, but as a friend.

Kaibigan nga ba?

Yes, as a friend. I'm a straight woman. I never experience committing to any same sex relationship. Nakatatak na sa isip ko na ang babae ay para lamang sa lalaki, pero di ibig sabihin 'non ay homophobic na ako. I just couldn't imagine myself being in a relationship with a woman, that's all.

Pero ano ba 'tong nararamdaman ko kay Trixie? Am I getting gay? Confused? Hell no!

Marahil nadala lang ako sa pang-iiwas niya sa akin. Nasanay kasi akong kinukulit niya lagi. I should ignore this, it only makes me confused.

Pumasok na ako sa loob at nagshower. I have a long day ahead, I need to focus on my career.




-------------




I arrived at IBN around 10 am. Paglabas ko mula sa kotse, narinig ko ang ilan sa tilian ng mga tao sa may audience entrance kaya napalingon ako.

I smiled knowing na kumaway-kaway sila sa akin. I waved them back and gave them a sweet hi.

Pagpasok ko sa gusali, nakasalubong ko sa lobby ang ilan sa kaibigan ko sa industriya. I had a short conversation with them before I went to the production meeting for the teleserye to be made. Tumabi ako kay Damon Lazaro, isa sa mga malalapit kong kaibigan.

"Hi pretty," bati niya sakin.

"Hello, handsome."

"How's the sweetheart of all media?"

"Still a sweetheart," Nakangiting sagot ko.

"Damn, can I date you? Friendly date I mean, I miss you." bahagya niyang ginugulo ang buhok ko.

"Damon, you're ruining my hair," natatawang pigil ko. He's my boy bestfriend, kaya normal lang sa amin ang ganitong bagay. Minsan na kaming napagkamalang mag-on dati, pero alam naman ng lahat na magkaibigan lang talaga kami. We always flexed our friendship everytime na may interview kami sa press. He is one of the few male friends I have in the industry.

Makalipas ng ilang minuto ay nag-umpisa na ang meeting. And somehow, I can't help but relate myself to my role. Bibida kasi ako bilang kabit at hindi ko maiwang matawa. Somehow it reminds me of my past relationship. I was once a mistress too. In this role, ako ang bida kontrabida, and I'm excited. Damon will play the role of the cheating husband while actress Cassy Reyes will play the role of a wife.

Oh I can't wait. I like this kind of roles.

Lumabas na ako sa conference room. Paglabas ko, hindi ko napansing may nakasalubong pala akong tao dahilan para magka-banggaan kami. Natapon sa dress ko ang mocha flavored coffee nito.

"Oh shoot!" bulalas ko.

"Oh my god, I'm sorry hindi ko sinasadya, hindi kasi ako tumingin sa--"

"Trixie?" putol ko nang makilala ang taong nakasalpukan ko.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon