21 - Girlfie

32.8K 1K 190
                                    

TRIXIE



"Ouchy! Kawawa mo naman, bruh. Ang sakit 'non sa puson." asar sakin ni Czarina. Ikwenento ko kasi rito ang tungkol sa nangyaring "bitin" love making namin ni Ava kapahon.

"I told you," I said as I took a bottle of lime juice and drink it straight. Kasalukuyan kaming nasa Maxine's.

"Tsk, buti naman at nakaya mo. Anong gusto mo? Ikulong natin si Flynn para masolo mo yung mommy niya?"

"Gaga ka." mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Subukan mong gawin 'yon, uupakan kita."

"Eh salbahe yung batang 'yon e, wrong timing mang-estorbo."

Natawa ako. "Kami ni Ava ang nasa wrong timing. At isa pa, Flynn is innocent and it's not her fault."

Czarina rolled her eyes. "Yan kasi, ang lalandi niyo. Hindi makapaghintay? Puwedi nyo naman gawin 'yon basta sa gabi."

"I know." sang-ayon ko saka muling uminom ng lime juice.

"Well, at least yan lang ang pinu-problema mo, hindi tulad sa isang 'to dito, pasan na ang buong mundo." binalingan ni Czarina ng tingin ang nananahimik na si Samantha.

"Don't mind me here." sagot ni Sam habang naka-focus ang mata sa live music band sa stage.

"Asus, if I know nagkakaganyan ka dahil sa pagbabalik ni Georgina. Hay naku friend, don't me. Kilala kita."

Natawa ulit ako. "Mind reader ka na pala ngayon beh?"

"Oo matagal na. Actually, nababasa ko nga yang iniisip mo ngayon e."

"Ows talaga? Sige nga, basahin mo nga 'tong iniisip ko." hirit ko.

"Oh sure," she grinned, kapagkuwan hinawakan niya ang ulo ko. She was doing a humming sound. Ang loka-loka mukhang sineryoso talaga ang sinabi ko.

"I have to go. May taping pa akong hahabulin." ini-waksi ko ang kamay niya sa ulo ko at tumayo.

"Gabi na ah," ani Sam. "May shooting ka parin?"

"Yeah, it's a rush hour taping. Hindi kasi ako sumulpot kahapon."

"Mag-ingat ka kung ganon."

"I will." I smiled at her.

"Nabasa ko na, Trix." ani Czarina at saka malawak na ngumisi. "Reveal ko na ba?"

"Sige go. Anong nabasa mo?"

"Your mind is screaming sex."

"Baliw!" ini-hagis ko sa mukha ni Czarina ang plastic cup na may lamang tubig at pabiro siyang sinabunotan. Abnormal amp.

"Yucks, Trix. Ganyan ka na ba talaga ka harot ngayon? Puma-pangalawa ka na yata kay porn star dito oh," sabay baling ulit kay Samantha.

Napa-iling ako. "O sige na, maiwan ko na kayo dito. Just order anything you want, don't worry, okay na 'yan." isa-isa ko silang hinagkan sa pisngi bago tuluyang nag-paalam.

Paglabas ko ng Maxine's, agad akong sumakay sa nakaparadang kong rover.

Habang nasa gitna ng biyahe, narinig ko ang pagtunog ng phone ko. I reached for my purse and grabbed the device from inside. I smiled upon knowing it came from Ava.

"Hello love." sagot ko sa kabilang linya.

"Hewoow po Tita," it wasn't Ava, it was Flynn's little voice. Siya pala ang tumawag.

"Hello baby love." malambing na bati ko. "Bakit tumawag ang baby ko?"

"I miss you po kasi." sweet na sagot niya.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon