Chapter 1

6.1K 65 0
                                    


Jov's POV

Nakaupo si Jovs sa may dug out habang pinupunasan ang pawis nya, kinuha nya ang diary nya at binuklat ito. Pinagmasdan nya ang natatanging picture na nandun, ang picture ng Mama nya na 2 years ng nagpaalam sa kanya. Hindi maintindihan ni Jovs kung ano ba yung sakit na nararamdaman nya ngayon.. Gusto nya na sana makita ng Mama nya na nag tagumpay sya, makita nya sana ito sa crowd na nagchecheer ng malakas.

NagChampion ang Team nila sa Season 11 Shakey's V league Reinforced Conference and after a few minutes ay iaannounce na kung sino ang magkakamit ng mga individual awards. Pinagpahinga muna sila ni Coach Rico at Coach Kung Fu bago man maganap ang awarding dahil mukhang special daw ang mga Awards na ibibigay galing sa ilang mga Sponsors.

" Sana nandito ka Ma.. hikbing sabi ni Jovs at itinago na ulit ang picture, lagi nya yung dala kahit san man sya magpunta.

Hanggang sa makita nyang pumasok sa loob ng Dug out si Rad, Rad ang nickname na itinawag dito ng madami na initial ng kanyang pangalan at apelyido. Matagal na nyang kilala si Rad o mas kilala bilang si Rachel Anne Daquis, kahit nun pa na naglalaro ito sa FEU Lady Tamaraws.. Sobrang famous ni Rad lalo na sa Volleyball na syang passion nito at ilan pa nyang mga endorsement at modelling.

Mahilig si Jovs na manood ng kahit na anong klase ng Volleyball at syempre naglalaro din sya simula nung elementary sya sa probinsya nila sa Guimaras hanggang sa magtransfer sya sa CPU sa Iloilo. Madami syang pinagdaanan sa buhay bago pa man sya nakarating sa ganitong klaseng position.

" Uy beh.. mahinang tawag ni Rad, tumingin si Jovs at sandaling nagpunas ulit ng luhang umagos sa pisngi nya.

Si Rad ang itinuring nyang pinaka Bestfriend at Ate sa lahat ng mga Players ng Volleyball. Hindi nga nya halos mapaniwalaan na ganon sila kaclose nito ngayon, despites sa napakadami nilang differences sa isat isa most especially sa Status nila sa buhay. Napaka famous kasi talaga ni Rad bukod sa fame eh rich kid ito at lahat halos ng mga kaibigan nito ay mga class at kilala sa industry pero mas pinipili pa din ni Rad na sumama sa kanya at sa team nila.

" Anong nangyari na naman ba sayo beh?!  Bakit ka na naman umiiyak?!Kung saan saan ka nagtatago, yun pala andito ka tas umiiyak na naman!! Hindi na ba titigil yang luhang yan?! Ay hindi na kita maintindihan ha.. Okay pa ba yang puso mo bata ka?! pag aalalang tanong ni Rad at agad na lumapit kay Jovs na napapatawa naman

" Wa..wala to Ate Chel at hindi kaya ako umiiyak, napuwing lang ako ah, hehe Sorry na nga Ate, nagdrama ka na naman eh!!.. sagot ni Jovs, pero hindi naniniwala si Rad dito kaya naman kaagad na hinawakan ni Rad ang kamay nya at pinisil.

" Sus!! Gonzaga, ako maloloko mo?! No way!! Kilalang kilala kita noh!! Maniwala naman ako dyan sa mga kalokahan mo!! Kailangan ba talaga lagi na lang may dramahang ganito.. Hindi ka na ba talaga nag sasawa!? inis na tanong ni Rad at hinampas si Jovs sa balikat

Napatitig lang si Jovs dito, pinagmamasdan nya si Rad habang tumingin din ito sa kanya at ngumiti.

" Kahit naman ano yang mga pagtatakip mo Jovelyn alam ko na kung bakit ka umiiyak, I just want you to know that I am always here for you, right!?. Ikaw kasi lage na lang kung sino yang hinahanap mo para makausap nandito naman ako. Tsaka wag ka ngang sama ng sama kina Ate Ging, nagmumukha ka tuloy oldies, ang ganda mo pa naman.. simpleng tawa ni Rad, napangiti na si Jovs sa biro nito

" Yan ngumingiti na ang Bebe Jovs ko.. malambing na sabi ni Rad at sinagi sagi si Jovs

" Thank you Ate Chel ah, salamat kasi lagi kang nandyan.. pasasalamat ni Jovs at ngumiti ulit

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon