Chapter 3

2.6K 36 2
                                    

Jov's POV

Nakatingin lang si Jovs sa kisame habang nakikinig sa music gamit ang headset nya. Tinamaan na naman sya ng katamaran at wala syang ibang pinagkakaabalahan kundi pagtuunan ng pansin ang mga love songs sa ipod nya. As in puro love songs na para sa mga nag sesenti, pero bakit nga ba sya nag sesenti sa araw na to eh mas madami naman syang pwedeng magawa.

Tiningnan nya ang jacket na nakahanger sa may tabihan ng Double deck, hindi nya alam kung sinong nag lagay nun dun. Saka nya kinuha ang mobile nya, almost 1 week na din ang nakakalipas simula nung Championship nila. Asan na kaya sya?! Hindi man lang sya nagparamdam, pero bakit naman sya magpaparamdam.. Naku wag kang gaga Jovelyn!!

Binuksan ni Jovs ang kanyang mga gallery, panay pics yun ng mga team mates nya since nung nag start sya sa Army. Hindi nya yun binubura dahil memories yun na hindi dapat mawala. Hanggang sa mapatapat sya sa isang picture, sila ni Rad.. Nakaakbay sa kanya si Rad at naka peace sign samantalang sya ay nakaside view at mukhang may kinakausap.

Isa si Rad sa mga trusted, closest friend nya, yun talagang taong kahit na ano pwede nyang sabihin dito. Matagal nyang tinitigan ang picture na yun lalong lalo na si Rad.. Kahit saan talagang anggulo maganda si Rad, napailing si Jovs at huminga ng malalim. Hindi dapat mangyari ang iniisip nya.

Hindi lang iniisip nya, mali yung nararamdaman nya at hindi pwede, hindi kahit kailan. Talagang clingy lang si Rad, sweet at sobrang caring kaya nya siguro nararamdaman to. Pero Jovs, kaibigan at babae yun.. Kahit anong part hindi talaga pwede.. Sunod na tiningnan ni Jovs ang isa pang picture, silang dalawa ni John Vic at kasama nila si Rad.. Hindi nya yun inierase, hindi dahil kay John Vic kundi dahil sa pose ni Rad. Nakaakbay kasi ito sa kanya at nakapeace sign at sya ay nakathumbs up habang si John Vic naman ay nakatayo lang.

( Flash back )

" I will be out of the country for 3-4 days Sir.. panggigigil na sabi ni Rad sa kausap nya. Mukhang mga photographers nya yun sa Metro magazine.

Kasalukuyan silang nasa Mall para ipaalam sa manager ng Metro na hindi makakaattend si Rad ng ilang days para sa photo shooting na gaganapin sa Bulacan.

" Halika na nga beh.. sabay hila sa braso ni Jovs at naglakad sila palabas ng Office

" Bad mood ka Ate Chel?! mahinahong tanong ni Jovs, huminga ng malalim si Rad

" Hindi naman halata no! Talagang nagtanong ka pa, obvious naman kasi Jovelyn!! inis na nasabi na lang ni Rad, napangiti si Jovs

" Bakit nga kasi?! mahinahon nya ulit na tanong

" Ayaw kasi nilang pumayag na umalis ako papuntang Germany eh kelangang kelangan ko pa naman yun!! inis na sabi ni Rad at hila hila si Jovs

" Sandali lang Ate.. pigil ni Jovs at hinila nya ang kamay ni Rad para huminto ito..

" Ano!!? galit na tanong ni Rad, tumigil sya at tumingin sa tinitingnan ni Jovs

" Ano ba yun Jovs?! tanong ni Rad at nakita nya ang hindi nya dapat na makita

" Halika na Ate Chel, uwe na tayo.. pahikbing sabi ni Jovs at hinila si Rad

" Hindi tayo aalis!! Hayaan mong sa kanya ko ibuhos ang naipong galit ko! Ang eksenang ganito hindi ko mapapalampas at wala akong pakialam kahit ilagay nila to sa profile ko.. matigas na sabi ni Rad at agad na naglakad sa tinitingnan nila kanina.

" Ate Chel.. tawag ni Jovs, garalgal ito at may namuo ng luha sa mga mata nya

" Huwag mo akong mapigil pigilan Jovs please, this isn't right at all!! At lalong hindi sa ngayon.. sabi ni Rad at hindi pa din magpaawat sa paglapit sa isang lalake at babaeng naglalandian pa sa tabihan ng mga stands.

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon