Chapter 33

1.7K 34 6
                                    


Jovs POV
Wala silang imikan dalawa ni Rad sa loob ng kotse, pinapakinggan nya lang ang pag hahum ni Rad, napangiti na lang sya saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi nya alam kung saan ba nya pwedeng ilagay ang sayang nararamdaman nya at ang mga kagagahan nya. She knows that hindi nya pinaghandaan ang nangyari, nadala lang sya ng emosyon, nadala lang sya ng bugso ng damdaming nararamdaman nya para kay Rad. Pero mukha namang hindi nag regret si Rad sa nangyari sa kanilang dalawa, mukhang masaya pa nga ito at nagawa pang makapag pathank you sa kanya.

Hay naku Jovs, nasisiraan ka na talaga, baka isipin ni Rad tinatake advantage mo sya o kaya Friends with benefits ang dramahan nyon dalawa. Napailing na lang si Jovs at huminga ng malalim. Tumigil naman si Rad sa pagha hum at tumingin sa kanya.

" Okay ka lang!? tanong ni Rad, tumango lang si Jovs at tumingin ulit sa may bintana

" Nag reregret ka ba!? tanong ni Rad at nag focus na ulit sa pag dadrive

" Saan naman Chel!? tanong ni Jovs, huminga ng malalim si Rad

" Sa nangyari satin, yung kanina.. Wala tayong commitment alam mo yan, we have a deal na kailangan na nating pakawalan ang isat isa pero nangyari pa din yun.. paliwanag ni Rad, tumingin si Jovs ng seryoso kay Rad

" Kasalanan ko naman, naakit kasi ako sayo.. natatawang sabi ni Jovs, hinampas naman sya ni Rad

" Ayoko ng Friends with Benefits Jovs, okay!! sabi ni Rad

" Ayaw mo pang aminin eh gusto mo din naman yung nangyari.. natatawang sabi ni Jovs, nagkunot noo si Rad at kinurit sya sa tagiliran

" Eh gusto ko man yun o ano!! Hay naku Jovelyn please lang Huwag kang ano ha, nag dadrive ako.. Baka maipark ko to sa tabi at hatakin kita dyan sa gubat at paligayahin kita.. inis na sabi ni Rad, napatawa naman si Jovs

" Hindi ka ba hinahanap ni Chris!? tanong ni Jovs, may kirot sa puso nya habang tinatanong nya yun.

" Nung tumawag ako sa kanya, niyaya nya akong mag dinner date sabi ko magkasama tayong dalawa.. sagot ni Rad, nagulat na lang si Jovs sa narinig nya

" Alam ba nya yung satin dati!? seryosong tanong ni Jovs

" Hindi ko alam, malay ko bang baka pinagkalat ni Tyang o nung kung sino na may intimate feeling sa pagitan nating dalawa.. natatawang sabi ni Rad, napasimangot si Jovs

" Chel, seryoso ako.. sabi ni Jovs, ngumiti si Rad sa kanya at hinaplos sya sa pisngi

" Dont worry hindi naman nya alam yung nakaraan, pero gusto kong ipag sigawan yun sa lahat na ikaw talaga yung gusto ko.. sabi ni Rad, may lungkot sa tono ng boses nito

" Chel, napag usapan na natin yun diba.. sabi ni Jovs, tumango lang si Rad

" I'm sorry Chel.. paghingi ng tawad ni Jovs, umiling si Rad at ngumiti

" Dont be sorry, wala ka namang kasalanan, besides ako yung nang iwan sayo ng apat na buwan, ako yung dahilan kung bakit nawala yung tiwala mo sakin. At alam ko naman na iniisip mo yung career ko at yung mga taong asa paligid nating dalawa, but Jovs naisip ko lang diba mahal naman natin ang isat isa, why we cannot fight for the love that we feel for each other na lang, dapat diba walang sino man yung pipigil sating dalawa.. naluluhang sabi ni Rad, nag reach out naman si Jovs para hawakan ng mahigpit ang kamay ni Rad

" One day you will understand it, at baka sa time na yun mas matatag na ako, mas kaya na kitang panindigan at ipag sigawan sa lahat ng tao na tayo.. sagot ni Jovs, naramdaman nyang humigpit din ang hawak ni Rad sa kamay

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon