Chapter 34

1.6K 36 9
                                    


Rad's POV

Nakatayo si Rad malapit sa may net habang pinagmamasdan si Jovs na nakaupo sa tabihan. Almost 2 weeks na simula ng mag umpisa na ulit ang training nila, 2 weeks na ding nag start manligaw si Chris Tiu sa kanya. Walang palya si Chris sa kahit na anumang bagay at mukhang seryoso nga ito sa panliligaw. Malimit na bumisita si Chris sa kampo para magdala ng food o kaya yayain si Rad na lumabas at mag enjoy. Rad finds him a real gentleman at mukhang hindi pakitang tao lang ang ginagawa ni Chris. She knows how good Chris is pero may hinahanap pa din ang puso nya, may nag aangkin pa din sa puso nya.

Nakita nyang nakatingin sa kanya si Jovs kaya naman ngumiti sya dito at kumaway, ganon din ang ginawa ni Jovs. Alam ni Rad na medyo dumidistansya si Jovs sa kanya, kahit naman anong pilit nyang lumapit kay Jovs parang si Jovs na din ang nagbibigay ng limitasyon.

" Buday!!

Kaagad na napalingon si Rad sa likuran nya, nandun sina Ate Ging at Ate Genie na nakakapit sa braso ni Chris. Napangiti naman si Rad at kumaway kay Chris pero bago sya sumama dito ay nilingon nya si Jovs. Papunta ito sa may Cr, kailangan nyang makausap si Jovs at yayain ito na sumama sa kanila ni Chris para manood ng game sa MOA.

" Chris, please excuse me for a while, kausapin ko lang si Jovs.. pamamaalam ni Rad, gusto sanang matawa ni Rad sa reaksyon nina Ate Ging sa kanya.

" Okay Chel, I'll be waiting na lang sa Barracks nyo, may mag eentertain naman sakin dito o.. nakangiting sabi ni Chris na hindi pa din binibitawan nina Ate Ging

" Okay lang yan Chris, libre naman silang mag entertain sayo.. Amateur yang mga yan!! biro ni Rad at kinindatan sina Ate Ging at Ate Genie.

" Dalian mo day at baka wala ka ng abutan dahil pinapak na namin to!! natatawang sabi ni Ate Ging, napangiti naman si Rad at kaagad na nagpunta sa may Cr.

Naabutan nya si Jovs na naghihilamos ng mukha sa may sink kaya dahan dahan syang lumapit dito at niyakap ito ng sobrang higpit mula sa likuran. Napaatras naman si Jovs sa pagkagulat pero agad din itong kumalma at winisikan si Rad ng tubig.

" Ang Bad mo ha!! maktol ni Rad at hinampas si Jovs sa balikat

" Ikaw kaya dyan yung nanggugulat, alam mo naman na magugulatin ako.. Abusado ka talaga sa kahinaan ko no!! asar ni Jovs, mas lalong hinampas ni Rad si Jovs

" Masama bang mamiss ka, yung miss na miss na gusto kitang halikan ng buong araw.. angal ni Rad at niyakap ulit si Jovs sa likuran at hinalikan si Jovs sa batok nito

" Chel, kapag may nakakita satin dito.. awat ni Jovs, kumawala naman si Rad at napa cross arm saka sumimangot

" Bakit ka ganyan!? mataray na tanong ni Rad, tumaas naman ang kilay ni Jovz

" Ang aling ganyan!? tanong ni Jovs

" Bakit umiiwas ka na naman!? Ano na namang problema!? inis na tanong ni Rad, ngumiti si Jovs

" Hindi ako umiiwas okay, kailangan mo kasi ng time, kailangan ng puso mo ang time at higit sa lahat alangan namang bumuntot ako sayo kasama yung suitor mo.. explain ni Jovs, hindi pa din satisfied si Rad mas may gusto syang marinig

" Ano Chel!? tanong ni Jovs, nang irap si Rad at akmang aalis pero hinigit ni Jovs ang braso nya

" Bakit nag tampo ka na agad dyan!? tanong ni Jovs, hindi umiimik si Rad

" Huy Rachel Anne huwag kang mag inarte ha.. Di bagay sayo yan.. paalala ni Jovs, nang irap ulit si Rad at akma ulit aalis

" Teka nga Chel, ano bang problema!? tanong ni Jovs

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon