Chapter 17

1.9K 38 0
                                    


Rad's POV

Magkasabay na naglakad sina Rad at Jovs papunta sa Barracks hindi sila nag iimikang dalawa pero alam nilang comfortable sila sa katahimikang yun. Tiningnan ni Rad si Jovs, although mukhang haggard looking ang kaibigan nya, she was beautiful in any way. Hindi nya alam kung paano pa nya makakayang mahiwalay dito, na halos gusto na nyang makasama si Jovs palagi at wala ng iba pa.

Sana hindi ganon kahirap na humiling at sana kahit yun na lang maibigay sa kanya. Pero alam nyang may hadlang pa din at hindi pa nya masabi sabi kay Jovs ang nararamdaman nya. Natatakot sya na baka mawala ang matagal na pag kakaibigan nila kapag inamin nya dito ang totoong feelings na meron sya. Hindi din naman nya mapigilan ang sarili na hindi maattract dito ng sobra. Haaay.. Ang komplikado naman ng Love na pinasukan nyang to.. Kahit Math hindi kayang isolve..

" Nakakailan ka na Ate Chel ha, akala mo hindi ko pansin.. Malinaw ang peripheral vision ko, kahit anong angle nakikita ko.. sabi ni Jovs at napatawa naman si Rad na sinagi sagi si Jovs

" Eh sa nagagandahan ako sayo, masama na bang tumingin?! Sana naglagay ka man lang ng babala na bawal ka palang tingnan.. biro ni Rad, napangiti naman si Jovs at nagdiretso na sila papunta sa loob ng Barracks kung saan naririnig nilang nagkakagulo ang mga taong malalapit sa kanila.

 biro ni Rad, napangiti naman si Jovs at nagdiretso na sila papunta sa loob ng Barracks kung saan naririnig nilang nagkakagulo ang mga taong malalapit sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Kayo na bang dalawa!? sigaw ni Ate Ging, nagkatinginan naman sina Rad at Jovs sa isat isa at nagtaka

" Kayo na ba?! tanong naman ni Ate Tina, talagang ginatungan pa ang biro ni Ate Ging

" Sira ka talaga Ate Tina.. Ano ba yang nasa isip mo?! Epekto ba yan na ang lagi nyong ulam dito eh adobong manok birong sabi ni Rad at naupo na sila ni Jovs sa dining area

" Akala namin kayo na eh, alam mo naman pinagpray namin yan!! sabi ni Ate Michelle, binato naman ni Jovs si Ate Mich ng tissue

" Magdahan dahan ka sa pananalita mo Ate Mich ha..sige ka.. banta ni Rad at binigyan si Jovs ng plato

" Sorry Rad, nagbibiro lang.. Matamlay kasi si Jovs nung mga time na hindi ka nya nakakasama eh.. Parang nagsugat yung puso nya, may konting lamat ba.. pang aasar pa ni Ate Mich, hindi naman umiimik si Jovs na ipinaglagay sya ng kanin at adobong manok

" Thank you Beh.. sabi ni Rad, ngumiti si Jovs at nag thumbs up sa kanya

" Alam mo Chel, nung wala ka dito laging diet yang si Jovs, hindi mo ba napansin na namayat?! sabi ni Ate Tina, napatingin naman si Rad kay Jovs na patuloy lang sa pagkain

Halos mapanganga si Rad sa sunod sunod na pagkain ni Jovs at nakakamay pa ang babaeng ito. Gusto nyang matawa ng abutan si Jovs ng tubig ni Ate Tina dahil mukhang nabubulunan na ata ito.

" Yan ganyan nga Bebe, alam mo naman kapag nakikita mo palagi yung inspirasyon mo dito talagang gaganahan ka sa pagkain. Kahit na yung ulam mo puro asin.. natatawang sabi ni Ate Joanne

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon