Rad's POVNakatingin si Rad sa may ceiling habang ang nasa tabihan naman nya ay mahimbing na natutulog. Napatingin si Rad kay Jovs, nakadapa itong natutulog at nakapaling ang mukha sa kabilang side. Dahan dahang umupo si Rad at nag ingat na hindi nya magising si Jovs na tulog mantika kung titingnan, dumukwang sya sa parteng hinihigaan nito at pinagmasdan si Jovs. Ngumiti si Rad at agad na kinuha ang mobile nya at pinicturan si Jovs, siguro sa mga susunod na araw makukuha na ulit nya ang loob nito. Although alam naman nyang pinipilit ni Jovs na maging close sa kanya, mas gusto pa din nya yung kung ano ang pagkakakilala nya dito noon..
Huminga ng malalim si Rad at kaagad na bumangon sa pagkakahiga hanggang sa dalhin sya ng mga paa nya sa may Balcony. Medyo maaga pa kaya naman naupo sya sa labas at pinagmasdan ang tanawin. Naghalumbaba sya sa may mesa at pinagmasdan ang picture ni Jovs na kakukuha lang nya saka sya simpleng napangiti.
( Flashback )
Nakatayo si Rad sa may tabihan ng net habang pinagmamasdan si Jovs na nagtatraining kasama sina Ate Sha sa kabilang side ng court, hindi nya alam kung anong pumasok sa isipan nya at kinuhanan nya ito ng pictures, ilang beses at awtomatik din nyang binabrowse ang mga nacaptured nya.
" Malapit naman.. Hanggang sulyap ka na lang ba!? Hanggang picture ka na lang ba!? biro ni Ate Tina at sinagi sagi sya nito, napasimangot naman si Rad
" Eto na nga lang yung way ko Ate Tina eh, pati ba naman to may side comment ka.. sabi ni Rad, napangiti naman si Ate Tina at tinapik si Rad
" Hula ko ah, hindi na macarry nyang puso mo ang sobrang selos.. pang aasar pa ni Ate Tina, mas lalong napasimangot si Rad
" Talagang ugali mong mang asar no Ate, nakakainis ka talaga o!! Ang sakit sakit na nga dito sa dibdib ko.. hikbing sabi ni Rad, napakamot naman sa batok si Ate Tina ng makitang malapit ng umiyak si Rad
" Hala eh nagbibiro lang naman ako.. Jusko Buday huwag mo ngang seryosohin tong biro ko.. natatawang sabi ni Ate Tina at niyakap si Rad na napaiyak na sa balikat ni Ate Tina
" Huy kayong dalawa ano na namang kadramahan yan!!?? sigaw ni Ate Ging, tinapik ni Ate Tina si Rad
" Umayos ka na Buday at baka mapag initan ka ng mga to, mas lalong makadadagdag dyan sa nararamdaman mo.. sabi ni Ate Tina, tumango naman si Rad at inayos ang sarili
Napatingin sya sa kinatatayuan ni Jovs nakatingin ito sa kanya, hindi nag smile at bakat sa mukha ni Jovs ang pagtataka pero simple lang na ngumiti si Rad at agad na nagpunta sa may CR.
" Para ka namang tanga Rachel Anne, hindi na nga sayo nag aassume ka pang makukuha mo.. inis na sabi ni Rad sa sarili nya at agad na kinuha ulit ang mobile nya at pinagmasdan ang stolen picture ni Jovs
" May problema ba Ate Chel?! tanong ng boses mula sa likuran ni Rad na nagpagitla sa kanya, kaya naman napaatras agad sya at itinago ang mobile sa likod
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
FanfictionWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...