Author's Note

1.1K 27 0
                                    



I want to extend my gratitude to all of you na nagbasa at nagvote at nag comment sa story☺️☺️ thank you so much!! Pasensya na kayo kung hindi ako malimit mag update umiikot ang buhay ko sa trabaho, sana lovelife na lang no!! Hahaha!! Joke..

Pero maraming maraming salamat talaga sa inyong lahat, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo isa isa.. Mahal ko kayo kahit hindi ko kayo kilala, na overwhelmed ako ng sobra dahil naappreciate nyo yung Story..

P.S malapit na yung last Chapters nya, planning to write the second book, a Continuation of Nothings Gonna Stop Us Now!! Thank you all at sana palage kayong ingatan ni God.. God bless and Keep on going lang

Lots of love,

-iamladyrose-

_____________________________________________________________________________
20 Facts about the Author

1. Nag start akong magsulat when I was in Elementary days pero itinatago ko lang lahat ng mga sinulat ko at hindi ko nagawang magsulat sa kahit na anong literary works sa School

2. One of my favorite story na isinulat ko is Alumni Home Coming kung saan kapag binabasa ko ito, hindi ko mapigilan na hindi maiyak.. Totoo palang may Destiny kaya maniwala kayo kung hindi nyo pa nakikita yung destiny nyo.. ☺️

3. Ang pinakamahabang story na naisulat ko is Mary and the Secrets of Wheldigz University, Adventure and fantasy; kailangan pa ang ilang edit ☺️

4. Ang Pakikipagsapalaran ni Biboy ang isa sa mga story na kinailangan ko ng madaming characters at ibinalik ko ang mundo ko sa pagiging bata..

5. May isa akong poem na naipublished sa isang news paper dito sa Oman na ang title is To the Mother Earth, 4years ago yun..

6. Kalimitan akong sumulat na puro tragedy ang ending at madami yung tungkol sa Faith..

7. First time kong sumulat ng isang Story na pareho ng gender yung bida at may intimate relationship sila. Nung isinulat ko ito at dahil fan ako ni Jovz at Rad parang pakiramdam ko may kasalanan ako sa kanilang dalawa.. ( Hindi po ako member ng LGBT pero mataas po ang respeto ko sa kanilang lahat, para kasi sakin Respect Humanity all the time )

8. My childhood favorite stories were The Last Leaf by O. Henry, A little Princess and Little Lord Fauntleroy by Frances Hodgson Burnett

9. Writing is my greatest passion, dito naieexpress ko kung ano man ang lahat ng nararamdaman ko but I didn't pursue it at all yun ang regrets ko hanggang nagyon..

10. I love collecting books, I have a collections of Classical books too..para sakin achievement na makapagbasa ka ng kahit na anong mga classical stories from Classical Authors dahil sa kanila nag umpisa ang lahat. Hindi ka lang dapat maging reader or writer

11. I read my Bible but not too often to tell you the truth, ang paniniwala ko kasi kailangan direkta akong makipag communicate kay God. Yung magkukulong ako sa kwarto tas tahimik lang ako, parang si God nasa loob din ng room nakikinig sya sa kwento ng buong maghapon ko..

12. I am a fan of Jane Austen's literary works

13. I am a very proud JK Rowling fan, Harry Potter fan at Potterhead, may collections ako ng book ng Harry Potter at lahat ng movies.. Ngayon naghahanap ako ng colored illustration ng book na kahit pambata..

14. One of the best book that I have ever read my whole life is Tuesday's with Morrie and Have a little Faith by Mitch Albom

15. One of the best Romantic book that I have ever read is The Notebook and A Walk to remember by Nicholas Sparks, eto talaga ang nagpaiyak sakin ng sobra,

16. My favorite Authors were JK Rowling, Mitch Albom, Nicholas Sparks, Paulo Coelho, Cecelia Ahern, Bob Ong, Jane Austen and Sir Conan Doyle

17. Mahilig akong magbasa ng mga quotes maliban sa hugot lines hahaha hindi ko alam kung bakit hindi ako mahilig sa hugot lines

18. My favorite and the best character ever written were Hermione Jean Granger and Sherlock Holmes. Minsan iniisip ko sana naging si Hermione na lang ako o kaya totoo yung character nya, she has a strong feminine character, as of Sherlock Holmes grabe yung talino nya at ang galing nyang lumutas ng mga case, kalkulado ng utak nya ang lahat ng mga nangyayari.. Sa a lahat ng detective kagaya nya

19. This is one of the best line na nabasa ko
" Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa "
-Bob Ong-

20. Kung mayaman ako, yung kaya kong bilhin lahat lahat ng meron sa mundo magpapatayo ako ng malaking library na punong puno ng lahat ng klase ng aklat.. Libre para sa lahat.. Sana hindi kainin ng mga latest technologies ang pagmamahal natin sa mga libro.. Sayang yung mga bagay na mas may halaga kesa sa mga gadgets ngayon..

_____________________________________________________________________________

Dont hesitate to ask me about anything, open naman ako sa lahat ng bagay..☺️☺️

☺️☺️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon