Jovs POV
Nakailang araw na sa training si Jovs, okay lang naman ang trainings nya dahil more on hands on yung ginagawa kasi sa office sya nakaassign. Nagawa pa din nyang makapagpractice kasama ang buong National Team, kung hindi man sya makaattend ng umaga ay humahabol sya sa hapon at talagang nag dodouble time sya sa magtraining.
Nagsimula na din ang Military training nya sa field kung saan tinuruan na sya ng Combat at shooting na mas matindi kesa noon na natutunan nya with Sergeant Alvarez. Kasama nya si Ate Michelle at Ate Sha sa pagtatraining at nakasuot sya ng Military uniform, tulad ng ginagamit nya sa trainings nya noon. Ilang oras syang pinatakbo sa loob ng field at parang may humahabol sa kanya, halos matawa sya sa sarili nya habang hingal na hingal sa pagtatago sa mga nakabatak na kapwa Officer.
" Gonzaga!!! narinig nyang sigaw ng isang Officer kaya agad syang nagtatakbo at naghanap sya ng mapapagtaguan
" Napapagod na ho ako!! Pwede po bang time out po muna,grabe sila o..ungot nya at napahawak sa tuhod dahil hindi sya tigilan ng mga officers na habulin, nakita nyang nakuha na sina Ate Michelle nya at Ate Sha kaya mas binilisan nya ang pagtakbo hanggang sa makita nya ang base nila.
" Gonzaga!!! muling sigaw sa kanya ng isang Officer at itinutok sa kanya ang isang training gun, kaya naman Smart lang sya at lumihis ng takbo kaya hindi sya natamaan nito at kaagad na nakarating sa base
Hingal na napaupo si Jovs sa damuhan at inalis ang suot nyang cap at inilugay ang buhok nya, kinapos sya ng paghinga kaya naman agad syang pinaypayan ng mga kasamahan at pinainom ng tubig.
" Okay ka lang ba Corporal?! tanong ng isang Officer, tumango si Jovs at humawak sa dibdib at hinintay na mag stable ang paghinga nya..
" Thank you po.. Okay lang po.. Ganito po palang maging Corporal, jusko hindi man lang ho ako na briefing ni Ate Tina.. maktol ni Jovs nagtawanan naman ang buong Team at nagpalakpakan ng lumapit ang ilang pang mga Corporals kabilang na sina Ate Michelle at Ate Sha
" Ang bilis mong tumakbo bata ka, saan ka natutong tumakbo ng ganong kabilis!! sabi ni Ate Michelle at agad na hinampas si Jovs, tawang tawa naman si Ate Sha at nagpunas ng pawis
" Kahit magtraining ako buong araw with Coach Kung Fu okay lang, jusko po hindi ata carry ng ganda ko ang training na ito birong sabi ni Ate Sha at mas lalo silang nagtawanan
" Corporal Gonzaga may bisita ka.. sabi ng isang officer na lumapit sa base nila at kaagad namang tumayo si Jovs
" Sino daw po?! agad na tanong ni Jovs
" Papa Jun mo kasama si Miss Rachel.. sagot ng officer agad na napatakbo si Jovs papunta sa barracks nila at hindi na inintindi kung ano pa ang sasabihin ng mga Officer nya.
Nakita nyang nagkakagulo ang buong Army Team sa may Kitchen kaya agad syang nagdiretso dun. Nakita nya si Papa Jun nya na kinakamayan nina Ate Tina, kasama ni Papa Jun nya si Sarah ang nakakabatang kapatid nya na mag eenroll sa FEU dahil nakakuha ito Scholarship bilang Varsity din ng Volleyball. Hindi nya nakita si Rad sa paligid, nagtatawanan silang lahat at yun ang gustong gustong makita ni Jovs sa kanyang Papa Jun na masaya ito.
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
FanficWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...