Jov's POVNakaupo si Jovs sa may pavement ng Oval habang pinagmamasdan sina Ate Tina na nagkukulitan. Actually si Rad talaga ang nag umpisa ng kalokohang yun at pumatok naman kaagad sa mga Ateng. Naglalaro kasi sila ng Prisoner at dahil game ang lahat sa mabilisang pag takbo wala silang pakialam kung maligo man sila sa pawis o mag amoy araw. Natatawa lang si Jovs sa kanila, mas ginusto nya kasing magpahinga dahil medyo hindi okay ang pakiramdam nya na almost 2 days na nyang pinagtitiisan.
After 2 days pa ang flight nya papuntang Guimaras and kasama nga nya si Rad dun. Sya naman talaga ang nag invite kay Rad na sumama, ilang beses na din namang nakapunta si Rad sa kanila but this travel will be very different from before. Close pa sila masyado ni Rad noon, walang intimate feelings at tanging sisterly love lang ang nararamdaman nila sa isat isa pero ngayon may past na nangyari at may feelings pa din sya para kay Rad. Hindi nya alam kung anong mangyayari sa kanilang dalawa sa 3 days na bakasyon sa Province nila.
" Uy Buday!! Natalo ka, gawin mo na yung dare namin sayo!! sigaw ni Ate Ging, agad namang napatingin si Jovs sa kantyawan ng mga Ateng
" Gagawin na nya!! Gagawin na nya!! kantyaw nilang lahat kay Rad na mayat maya naman ang iling at napansin ni Jovs na namumula ito.
" Sige na Ate Chel.. Kailangan pa nating mag punta ng Ateneo para sa Tune up game natin.. sabi ni Royse
" Huwag nyo nga akong pinaglololoko ha, wala namang tune up game na yan eh!! inis na sabi ni Rad, napatawa na lang si Jovs sa reaksyon ni Rad
Kung iisipin nya ang past parang sobrang sakit pa din kapag naaalala nya, ang dami pa ding tanong sa isipan nya na nangangailangan ng kasagutan. Bakit hindi magawang iexplain ni Rad ang lahat!? Dahil ba hindi sya nagtatanong, dahil ba ayaw nyang iopen yun dahil masyadong masakit balikan. Pero habang pinagmamasdan ni Jovs si Rad parang unti unting bumabalik ang nararamdaman nya na pilit nyang kinalimutan na noon, apat na buwan.. Kung ang break up nga may 3 months rule, ano naman kaya ang tawag nung nangyari sa kanila.
" Jovie!! sigaw ni Ate Tina at nagbalik ang diwa ni Jovs at nakita silang papalapit sa kanya
" Ano yun Ate?! tanong ni Jovs na akmang tatayo pero pinigilan sya ni Ate Tina
" Sige na Rad gawin mo na!! sigaw ni Ate Tina, napatingin naman si Jovs kay Rad na napakamot sa batok
" Uy huwag nyo akong maisali sali dyan sa kalokohan nyo ha, nananahimik ako dito.. awat ni Jovs na akmang aalis sa pagkakaupo pero agad syang nahigit ni Ate Tina
" Aba mabilis ka din ah baka kapag nalaman mo kung ano to hindi ka na makawala at magpasalamat ka samin.. bulong ni Ate Tina kay Jovs, nagbuntong hininga naman si Jovs at naupo ng tahimik
" Ano ba kasi yun? curious na tanong ni Jovs
" Sige na Chel.. Gawin mo na at ng makakain na tayo ng tanghalian,.. utos ni Ate Tina
" Oo na Ate Tina, masyado nyo namang hinaharas ang kahinaan ko, Grabe kayo kung makapag utos ah.. maktol ni Rad at agad na lumapit kay Jovs
" Sus Rachel Anne, gusto mo din yang gagawin mo!! pang aasar ni Ate Ging, nagtawanan sila
" Salamat ha Ate Ging.. inis na sabi ni Rad at tumingin ng diretso kay Jovs
Hindi alam ni Jovs kung ano bang gagawin ni Rad sa kanya o kung anong plano nila hanggang sa naramdaman ni Jovs na hinawakan ni Rad ang kamay nya ng mahigpit. Namiss nya ang dampi ng palad nito, hanggang sa naramdaman nyang ang bilis ng tibok ng puso nya. Talagang malaki pa din ang epekto ni Rad sa kanya..
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
FanfictionWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...