The Author's Open Letter for herself for the year 2026

1.1K 16 3
                                    


May 29, 2016

Dearest Rose ( 2026 ),

                 Hi Rose, Anong masasabi mo sa buhay mo ngayon!? Mas maidedefine mo na ba ito ng mas mature kesa noong huli mo itong idinefine!? Pero una sa lahat, kamusta ka na!? Anong nangyari sayo sa loob ng sampung taong lumipas!?

             Nafulfill mo bang lahat ng mga dreams mo, mga obligations mo at responsibilidad!? Nakapagtravel ka ba!? Natagpuan mo ba si Future husband mo na sinulatan mo noon and you adressed it na kung nasaan man sya ay maghanda sya sa inyong pagtutuos!? Is your life a worthy life or is your life the same as before. Sinusulatan kita Rose para ipaalala sayo kung anong meron sa sampung taong nakaraan. Kung asan ka, kung anong ginagawa mo, kung sinong mga kasama mo at kung ano yung mga plano mo sa buhay.

          Kasalukuyan akong sumusulat sayo, kaharap ang isang computer at nakatime ito ng 5:05pm sa karaniwang panahon dito sa Sohar, Oman taong 2016 ng Mayo ika 29, Linggo. Mainit ngayon, mataas ang humidity.. Parang hindi mo gugustuhing balikan yung panahon mo dito pero masasabi ko sayo at gusto kong ipaalala sayo na ang pagtigil mo dito, pagwowork mo dito ay isa sa mga satisfying work na nangyari sa buhay mo. You love your work here, you love the people you are working with. Mahal mo sila dahil mataas ang respeto nila sayo at ganon ka din sa kanila. Ngayon kaya, asan ka!? Nandito ka pa din kaya, kawork mo pa din kaya sila or you try your best to excel more in your chosen field.!? Hindi ko masasagot yan, siguro aantayin kitang magpaliwanag kung anong ginawa mo sa loob ng sampung taon. Pero isa pa din sa mga pangarap mo ang maging Writer at makapagpublish ng mga libro. Natupad mo kaya yun!? Nagpublish ka kaya ng libro!? Alam ko kung gaano mo kamahal ang pagsusulat pero niregret mo na hindi mo ito ipinursue noong pumapasok ka pa lang. Sana nagtry ka, nagsulat ka sana sa mga literary works sa school.

          Your life was so simple, so organized and so satisfying. Masaya ka kahit simple ang buhay, wala kang pakialam sa ibang tao kung sila man ay nagkakandalunod sa lahat ng mga luxuries sa buhay nila. Your priority is to find the greatest happiness of life and you believed that being happy is to be contented at all times. Madami kang natutunan sa life, sa mga struggles mo sa buhay, madami kang natutunan sa experiences mo.. You considered every mistakes a challenge and something that you have to learn and you probably learned from it. Salamat sa napakadaming pagsubok na dumating sa buhay mo, napatatag ka nito, naging strong ka, naging mas bold ka at kaya mong makipag sabayan sa kahit na anong hindrances ng buhay. Its not how the life defines you, its how you define the life. Your motto in life is that the Life is complicated and it takes a strong you to keep it going.

         Sabi mo nga diba, pinagtitibay ang tao ng panahon, pinagtitibay ka ng mga balakid sa buhay na nagagawan mo ng paraan para mapagtagumpayan, para malampasan. Hindi ka strong noon, isa ka sa mga weak na tao na hindi lumalaban pero nakita ko kung paano ka nag evolve. You were undeniably one of the strongest person na nakilala ko.. Sabi ng mga kaibigan mo na nakakakilala sa totoong ikaw, napaka tapang mo, napaka lakas ng loob mo at higit sa lahat you are so tough. Salamat kay God, kahit na dumating ka sa point na you almost gave up everything and you almost ended up everything but God gave you a perfect reason to live. Patuloy kang mag pasalamat kay God dahil binigyan ka ng pagkakataon, hindi ka nya iniwan, hindi ka nya pinabayaan kahit kailan. Sana sa pagsulat kong ito sayo ganon pa din ka strong ang faith mo sa Kanya. Sabi mo nga diba, hindi ka humihiling ng kahit na anong bagay kay God ang gusto mo lang sana mapatawad ka Nya sa lahat ng mga pagkakamali mo. Rose, God is so forgiving, sa sampung taong nakalipas siguro mas madami ka pang naranasan, mas madami ka pang problemang nalampasan. Sana sa kahit anong oras hindi nawala ang paniniwala mo kay God. Kapit lang Rose, ang buhay bigay ni God kailangan mong ipagpasalamat sa Kanya yan araw araw.

            Nagtravel ka na ba!? Isa yun sa mga goals mo diba kasi sabi ng kaibigan mo in order to find one of the greatest happiness in life you really have to travel and meet different kinds of people and learn their cultures. Sobrang saya mo kasi nakapunta ka ng Oman at Thailand, may ibang countries ka pa bang nalibot!?. One of your dream country to visit is Ireland, kung hindi mo pa ito napupuntahan, mark your calender, take out your passport and book a plane ticket, hindi pa huli ang lahat para magtravel ka papunta dun. Ireland is waiting for you!! You were so happy that you met different kind of friends and most of them were Omani's, Indians, Syrians, British and English people, Iraqi, Egyptians, Emirati's, Bangladesh people, Lebanese and Jordanians. You dont care if they were different and you have a different beliefs as long as there is Respect. Na attained mo yung isang Respeto na kayang ibigay sayo ng ibang tao, mostly galing pa sa ibang lahi, ibang kultura, ibang paniniwala, ibang relihiyon. Galit ka sa Racism, galit ka sa mga taong masyadong mapanghusga at mahalaga sayo ang pakikisama. Sa work they considered you as one of the friendliest staff, mabait ka sa staff, mabait ka sa mga pasyente mo at higit sa lahat lagi kang nandyan sa kanila. Ngayon ba ganon ka pa din!? Hindi ba binago ng panahon ang kung ano ka noon sa ngayon!? Sana hindi, sana hindi ka binago ng henerasyon lalong lalo na ng mga bagong teknolohiya at ibat ibang klase ng tao. Naalala mo noon kung ano yung sinabi mo sa isa sa mga closest Doctor na nakatrabaho mo, because she was so kind and her heart was so clean you told her that Dont let the people or any kind of life experiences change her into someone she is not. Sana kung ano yung sinabi mo sa kanya, naiapply mo sana yun sa buhay mo. Rose, dont change into someone that you were not.. Dont let any kind of things change you.

         Naging fulfilling ba ang buhay mo?! Sa sampung taong lumipas Rose ano yung mga natutunan mo, Ano yung mga bagay na hanggang sa pagtanda mo ay dadalhin mo!? You remember before na sinabi mo sa sarili mo na dadating ang panahon na makikilala mo kung sino yung mga taong totoo sayo. The life has given you the chance to knew all of them, nagpapasalamat ka ng sobra dun. But you have to reconcile also sa mga taong nagawan mo ng mali o nag isip ng negative sayo o iniwanan mo.. Nagawa mo ba!? Humingi ka ba ng tawad sa kanila, hindi mo sana yun mapalampas Rose, maikli lang ang buhay. And we never know what tomorrow will bring. Kasama mo pa din ba yung mga kaibigan mong loyal sayo na never ka nilang ijinudge, na hanggang sa kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay mo ay pilit pa din silang sumisiksik sa life mo at nananatili. Sana nagawa mong makapagpasalamat sa kanila, ang hirap din ng obligasyon nila bilang kaibigan. Sana kung ano man yung nagawa nilang mabuti sayo, maibalik mo sana sa kanila ng mas higit pa.

           Ang dami kong gustong itanong sayo, kasalukuyan ng nag didilim ang kalangitan. Ngayon, hindi mo na siguro matandaan kung ano yung mga bagay na pinangarap mo sampung taon ang nakakalipas, hindi mo na siguro tanda yung mga taong nakasalamuha mo at nakausap. Pero Rose, kung ano man yung natutunan mo sa kanilang lahat sana manatili ito sayo, huwag mo sanang kalimutan. Lalong lalo na ang lahat ng itinuro sayo ng Nanay mo, sana naaalala mo pa din kung gaano ka nya tinanggap bilang ikaw. Nagkamali ka man sa buhay pero mahal ka ng iyong Ina, hindi ka nya hinusgahan at ipinaglaban ka nya. You should always be thankful to God dahil sya ang naging Mother mo, patuloy ka lang magpasalamat sa kanya ng higit sa lahat ng bagay sa mundo. Kung wala sya, wala ka dito. . Hindi mo kayang idefine ang mundo, ang buhay, ang mga tao.. Sana nagawa mong sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal, kung gaano sya kahalaga sa buhay mo, kung gaano ka kathankful na sya ang Nanay mo..

         Rose, the life is giving you a chance to love someone. Siguro naaalala mo kung gaano ka nasaktan, kung gaano mo naranasan ang lahat ng sakit at igive up pati dreams mo dahil sa pagmamahal. Dun ko masasabi sayo How stupid you are when it comes to love but you were so Strong for that kind of love. Ngayon habang sinusulat ko ito at naiisip ko yung nangyari, gusto kong sabihin sayo na kahit pagbaliktadin ang mundo at panahon hindi mo kailangan iregret ang klase ng pagmamahal na naranasan mo. Natuto ka at sa experiences mong yun naging mas matatag ka. Nahanap mo na ba yung ideal man mo, yung napapanaginipan mo noon!? Kasama mo na ba sya!? Naalala mo nung sinabi sayo ng isa sa mga friend mo na You should never close your heart, na kahit nasaktan ka ng sobra hindi ka dapat huminto na magmahal, siguro nung time na yun hindi ka pa gaano nakamove on. Pero hindi reason na gawin mong miserable ang buhay mo dahil lang sa nasaktan ka. You remember also what your friend told you na when you love again, choose that man who will going to take all the courage to marry you in the church, to fulfill his promise till death do us apart. Syempre hindi ka pa naniniwala na may ganyang klase ng lalake sa mundo pero sana sa sampung taong nakalipas, nakilala mo na sana sya. Kasama mo na sana sya ngayon, may anak na kayo at masayang tinutupad ang pangarap nyo sa isat isa. Pinagdadasal ko yun araw araw, sana hindi ka mapagod magmahal Rose..

         Isinulat ko ito taong 2016  ika 29 ng Mayo sa pangkaraniwang panahon, mainit at mataas ang humidity. Nababago na ang lahat ng bagay dahil sa makabagong teknolohiya. Sana ang mga pananaw mo at paniniwala ay hindi magbago kahit kailan, alam ko kung gaano mo inaayawan ang lahat ng mga taong Judgemental at plastik, alam kong galit ka sa Racism, War, Hunger, Poverty at Crime. Minsan mo ng naisip na kung isa ka lang sa pinakamayamang tao sa buong mundo bibigyan mo ng pagkakataon ang mga taong kaya mong tulungan na makapagtrabaho, makapag aral at makakain. Sana Rose hindi mo makalimutan ang purpose ng life mo, you know how much you want a very simple life. Yung away sa lahat ng mga negative factors ng buhay, alam ko kung gaano ang Respeto mo sa batas at sa bansang pinanggalingan mo. Alam ko na kahit nagtrabaho ka sa ibang bansa ng ilang taon, hindi ko alam kung asa ibang bansa ka pa din ba ngayon.. Isa lang ang tinitibok ng puso mo at patuloy kang magbabalik dito.. Ang Pilipinas..

         Rose, isinulat ko ito para ipaalala sayo kung ano yung buhay mo sampung taon na ang nakakalipas. Kung gaano ka kakuntento at kasaya, kung gaano ka nagpaplano para sa kinabukasan at patuloy na nangangarap. Sana hindi ka magbago, sana nafufill mong lahat ng gustuhin mo sa buhay..

                                                                                 With lots of Love.
                                                                                    Rose ( May 29,2016 )

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon