Chapter 5

2.4K 38 0
                                    

Jov's POV

Maagang nagising si Jovs, 4am pa lang ay gising na sya at nagsimulang tumakbo sa Oval nila. Yun talaga ang daily exercise nya pero kapag sinisipag lang sya, minsan kasi dinadaanan talaga sya ng katamaran. Naka ilang laps din sya bago maupo sa pavement at tumingin sa paligid, halos mag 5-5 am na at anytime mapupuno na din ang Oval. Sanay sya na kasama si Rad sa mga ganitong time, yung sila lang talagang dalawa. Umub ob si Jovs at hinayaan nyang tumulo ang pawis nya sa samento. Bakit pakiramdam nya miss na miss na nya si Rad?! Hindi naman nya to nararamdaman noon, bakit sobrang lakas ng effect ni Rad sa kanya?!

( Flashback )

Naalimpungatan si Jovs ng maramdaman nyang may kumukulbit sa kanya, medyo madilim pa kaya hindi nya alam kung sino yun. Agad nyang kinuha ang mobile nya at tiningnan kung anong oras na, 3:30am pa lang kaya nagbalot sya ng kumot. Pero hinila nung kumukulbit sa kanya ang kumot kaya naexpose ang katawan nya, nakashorts lang sya at sando..

" Bakit po!? iritang tanong nya at agad na nagbangon at sa kamalasan eh nauntog sya sa itaas ng double deck.

" Jovs, ang aga pa eh magpatulog ka nga.. reklamo ni Tin na nasa taas ng double deck, narinig ni Jovs na medyo tumawa yung kumukulbit sa kanya. At sa time na yun parang kilala na nya kung sino yung nambubulabog sa kanya ng maaga.

" Ate Chel, ikaw ba yan?!.. mahinang tanong ni Jovs

" Sorry Beh ha.. mahinang sabi ni Rad, hindi makita ni Jovs kung saan ito nakapwesto pero naramdaman na lang nyang may humalik sa noo nya.

" Ate.. mahinang tawag ni Jovs ng marinig nya ang tunog ng pintuan

" Jovs, diba si Ate Rad yun, aalis na sya ah, nakalimutan mo na last day na nya ngayon dito. Sige na lumabas ka na para masundo ko na yung panaginip ko.. mahinang sabi ni Tin, agad namang tumayo si Jovs at kumuha ng towel para punasan ang mukha nya at kaagad syang nagmumog din.

Kaagad syang lumabas ng kwarto at nagdiretso sa room kung saan nag sstay si Rad, nakaopen ang lampshade at dahan dahang pumasok si Jovs. Nakaupo lang si Rad sa tabihan ng kama at nagmomobile..

" Ate Chel.. mahinang tawag ni Jovs, lumingon agad si Rad at ngumiti

" Jovs.. Sorry ah, nasaktan ka ba?!.. agad na sabi ni Rad, ngumiti si Jovs at naupo sa tabihan ni Rad

" Okay lang Ate, hindi mo naman kasalanan.. ngiting sabi ni Jovs, sinagi sagi ni Jovs si Rad

" Jovelyn, masakit kaya .. Nakakainis ka ha.. asar na sabi ni Rad

" Halika Ate Jogging tayo bago ka umuwe.. yaya ni Jovs at agad na hinila si Rad

" Kaya nga ako nandun eh para yayain ka.. nakangiting sabi ni Rad at hinawakan nya ang kamay ni Jovs.

Tahimik lang silang naglakad papunta sa may Oval, comfortable na sila sa ganito lalong lalo na si Jovs. Paminsan minsan nyang tinitingnan si Rad, nakangiti lang ito kaya naman napangiti din sya.

" Nagandahan ka na sakin nyan.. biro ni Rad, tumawa naman si Jovs

" Alam mo Ate Chel.. iniisip ko lang ha diba ultimate crush mo yung si Von.. pang iintrigang sabi ni Jovs

" Eh Ano naman?! iritang sabi ni Rad at nauna sa paglalakad, hinabol naman sya ni Jovs

" Nanliligaw yun sayo diba Ate Chel?! makulit na tanong ni Jovs

" Aha.. nasabi na lang ni Rad ng humarap si Jovs sa kanya, napatawa si Rad sa hitsura nito

" Bakit?! takang tanong ni Jovs, ngumiti si Rad at inalis ang ipit nya sa buhok saka lumapit kay Jovs at inayos ang buhok nito.

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon