Chapter 23

1.4K 24 0
                                    


Rad's POV

Nakaupo si Rad sa tabihan ng kama nya habang pinagmamasdan ang mobile, isang number lang naman ang naka appear sa screen. Number ni Jovs, umiling si Rad at kaagad na ibinaba ang mobile. Hindi nya maintindihan ang sarili nya, dapat talaga nyang makausap si Jovs para mag explain pero sa tuwing gugustuhin nya yun nauunahan sya ng takot. Kilala nya si Jovs, mabait ito pero malalim itong magalit at ayaw ni Rad na maranasan yun pero ngayon parang hindi na nya kayang takasan pa.

" Chel.. tawag ni Kuya Miko, napalingon naman si Rad at simpleng ngumiti

" Hi Kuya, I missed you so much.. matamlay na bati ni Rad at dahan dahang tumayo para yakapin si Kuya Miko

" I missed you too sis, Wala si Iñaki eh kasama ni She sa Tagaytay with his Lolo and Lola, nagpaiwan ako kasi alam ko na dadating ka, pasalamat ka Chel.. biro ni Kuya Miko pero hindi napatawa si Rad

" Thanks Kuya ha, pasensya ka na.. malungkot na sabi ni Rad at naupo ulit sa tabihan ng kama

" Ano bang iniisip mo?! Mukha ka na namang miserableng hindi maintindihan dyan, kadadating mo lang malungkot ka na kaagad.. puna ni Kuya Miko at tumabi kay Rad

" Kuya, hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Gulong gulo ako ngayon.. sabi ni Rad at hindi na napigilan nito na hindi mapaiyak

" Bakit ka ba pumayag na ikasal dun sa lalakeng yun kung hindi mo naman pala gusto.. tanong ni Kuya Miko, huminga ng malalim si Rad

" Natatakot kasi ako sa pwedeng gawin ni Dad Kuya eh, ang dami nya kasing pinagbanta sakin.. Ayokong may mangyaring masama sa mga kaibigan ko, lalong lalo na kay Jovs.. paliwanag ni Rad

" Sinabi mo ba kay Jovs ang dahilan kung bakit ka umalis?! tanong ni Kuya Miko, umiling si Rad at napaiyak ulit

" Tinatanong ka nya sakin Chel, ilang beses pero hindi ko alam kung anong isasagot ko.. She care for you very much but you chooses to leave her, for her sake na din pero ang masakit bakit hindi mo ipinaalam sa kanya ang dahilan.. Maiintindihan naman siguro ni Jovs ang lahat.. sabi ni Kuya Miko

" Its for the good naman Kuya na hindi nya malaman.. Ayoko na isipin nya na napaka weak kong tao para igive up ang feelings ko at sumunod sa utos ng iba.. sabi ni Rad

" I think hindi naman gagawin ni Jovs na husgahan ka Chel, pero karapatan nyang malaman ang totoo.. advice ni Kuya Miko, huminga ng malalim si Rad

" Kuya, mahal ko pa din sya hanggang ngayon.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami.. Alam ko todo iwas na naman yang si Gonzaga sakin o kaya babalik na naman sya dun sa pagiging moody nya at tahimik.. naiiyak na sabi ni Rad

" You mean na alam na nya yung totoo?! tanong ni Kuya Miko

" Eh Oo, sinabi ko sa kanya bago ako umalis and she confessed na gusto nya din ako.. Yun diba nga sabi ko sayo nun.. Tas yun.. sabi ni Rad at napaface palm sya habang inaalala yung gabing may nangyari sa kanilang dalawa ni Jovs

" You mean to tell me na!! gulat na sabi ni Kuya Miko at napahagalpak ito ng tawa

" Ang child abuse mo Rachel Anne, nababakla ako sayo!! You did it, you did it talaga?! tanong ni Kuya Miko, namula naman si Rad sa pan tetease sa kanya ni Kuya Miko

" Ang bastos mo Kuya huwag ka ngang magtanong sakin ng mga ganyang bagay ha, hindi tayo dapat mag usap ng ganyan.. paliwanag ni Rad napatawa ulit si Kuya Miko at pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Rad

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon