Jov's POVNaglalakad si Jovs papunta sa Oval kasama nya sina Ate Ging, katanghaliang tapat at katatapos lang nilang maglinis sa kabilang Building. Trabaho nila yun at hindi nila pwedeng ayawan kahit nga parang hinihila na lang nya ang mga paa nya. Halos hindi nga makabangon si Jovs dahil masama ang pakiramdam nya, tinamaan na naman sya ng sakit at hindi iyon sakit ng katamaran. Ayaw nya lang ipahalata sa mga team mates nya dahil mag aalala din ang mga ito ng husto, dami pa naman nyang kelangang gawin at tapusin.
Ilang blocks din yung nilinis nya dahil may ilang araw syang nalate sa training at yun ang punishments nya dun. At nag aantay pa nga sya sa susunod, expected na nya kahit na hindi sabihin.. Malalaman na din ang result ng line up tomorrow for the National Team at nakausap na naman nya ang Head para kung sakaling matanggap sya, siguro 1 and a half month syang lalabas sa kampo. Pumayag sila lalo na at dahil para nga sa country yung gagawin ni Jovs, kung sakaling hindi sya matanggap edi balik sya sa dating buhay. Pero may pagkakataon daw na baka ipull out sya ng mga ito sa pagtatraining if necessary lang naman.
" Jovs okay ka lang ba eh mukha kang namumutla dyan ah?! tanong ni Ate Tina
" Okay lang po ako Ate.. Medyo pagod lang po tsaka sa sobrang init na din po siguro.. matamlay na sagot ni Jovs at naupo sa pavement ng Oval. Tumigil na din sa paglalakad ang buong team.
" Sigurado ka ba Jovs?! Mukha kang may sakit ah.. pag aalalang sabi ni Ate Tina at pinunasan ang pawis na nasa noo ni Jovs
" Wala to Ate, medyo pagod lang talaga.. Alam mo na nasinghalan na naman ako.. Bakit ba hindi ako makapagtanim ng alarm clock sa katawan ko kagaya mo? Ano bang klaseng Alarm Clock yang ginagamit mo!? nakangiting sabi ni Jovs, binatukan sya ni Ate Tina
" Naku ikaw talaga, pag nag behave ka may potential ka talaga na maging mataas yung rank mo.. Exert effort lang Neng!!! sermon ni Ate Tina, nagpout naman si Jovs
" Jovs, Sana makuha ka sa line up noh!!.. sabi ni Tin na pinaghihigit ang manggas ng Tshirt nya
" Naku nagdasal ako talaga na mapasali ka dun.. Alam mo naman na deserving ka sa lahat eh.. sabi ni Ate Ging na medyo naluluha na
" Bakit ang drama mo na naman Ging?! biro ni Ate Tina
" Eh kasi naman Ate Tina, baka next year magretired na ako.. Alam mo na buhay may asawa na ako.. Eh syempre tong batang to eh sa kanya din mapapapunta yung mga responsibilidad natin.. paiyak na sabi ni ate Ging napangiti si Jovs at niyakap sya
" Malagkit ka pala, mamaya ka na maglambing at hindi ako sanay dyan lalong lalo na kung ikaw yung maglalambing!! tawang tawang sabi ni Ate Ging at inilalayo si Jovs
" Grabe lang Ate Ging, sobrang lambing ko kaya.. natatawang sabi ni Jovs at nagtawanan sila
Nakarinig sila ng pito mula sa di kalayuan, sabay sabay naman silang napatingin at nakatayo si Sergeant Alvarez dun ang patrol leader nila. Kaya mabilis pa sa alas singko silang pumila at nag march papunta dun. Sa katapatan ng alas dose imedya ng tanghali eh nag drill sila
" Gonzaga!! sigaw ni Sergeant Alvarez
" Ano po yun Sir?! malamyang sagot ni Jovs at nagsalute
" Gumapang ka ng ayos!! Faster!!! sigaw ulit ni Sergeant, sumunod naman si Jovs
Ramdam na ramdam nya ang sobrang pagod at any time pwedeng bumigay ang katawan nya pero wala naman syang magagawa dahil trabaho nila to..
" Gonzaga!! Up!! sigaw ulit ni Sergeant, tumayo agad si Jovs at lumapit kay Sergeant Alvarez
" Tinatamad ka ba o ano!! Hindi porket lalabas ka ng Kampo eh hindi mo susundin yung pinapagawa namin dito!! Naiintindihan mo!!! madiing sigaw ni Sergeant
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
Fiksi PenggemarWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...