Chapter 6

1.9K 37 0
                                    


Rad's POV

Hindi magkaintindihan si Rad habang pauli uli sa loob ng bahay, umuwi muna sya dahil kailangan nya kasing ibalik ang sasakyan ng kanyang Mom. It was almost 3:30pm na din at magkikita sila ni Jovs ng 4:30pm sa condo nya. Nagtagal sya sa paghahanap ng susuotin, para nga syang mababaliw na hindi maintindihan kung bakit ba hindi sya mapakali. Hanggang sa napili na lang nyang mag fitted jeans at blouse na karaniwan nyang sinusuot kapag kasama si Jovs. Lumalabas naman sila noon at wala syang iniisip na iba, pero iba ngayon.. Bakit nga ba!? Ano nga bang pinag kaiba nung dati at ngayon. Bakit parang binibigyan nya ng meaning ang lahat.

" Oh Shit naman, bakit ganito yung nararamdaman ko!!! napahawak si Rad sa buhok nya at hindi nya alam ang gagawin kaya nagsimula na naman syang mag paikot ikot sa loob ng room nya.

" Rachel.. mahinang tawag ng Mommy nya agad na napatingin si Rad sa may pinto kung saan nakatayo ang Mom nya. Nakalimutan nyang nandito nga pala ang Mom nya na kakauwe lang galing Germany

" Yes po Mom!! May kailangan ka po ba?.. sagot ni Rad at napabuntong hininga sya

Ang Mom nya ay hindi nya gaanong kaclose, madalas nga nyang kaaway. Hindi nya kasi maintindihan to minsan kung ano ba talaga ang gusto nila para sa kanya. She was very lucky that she came from a very rich family, yung kilala sya. Bata pa lang may pangalan na sya sa industry. Kahit nga hindi na sya magwork eh okay lang dahil sa laki ng influence ng Daddy nya sa Germany, meron kasi silang company dun na malakas sa tao. Minsan na syang nagplan para sa future nya na dun tumira at magtrabaho, tutal naman citizen na din sila dun. But she chooses to stay or rather theres someone gave her a reason to stay.

" Rachel, may nagpapabigay sayo nitong mga flowers.. sabi ng Mommy nya at agad na ipinakita ang boquet

" From a fan po ba?! tanong ni Rad, tiningnan ng Mommy nya ang card

" No, it says here.. You are the sunshine of my dull life.. Chris Tiu pagbabasa ng Mommy nya sa maliit na card, napatitig naman si Rad

" Si Chris Tiu?! takang tanong ni Rad at tiningnan ang card at binasa ulit

Galing nga kay Chris Tiu, isang sikat na basketball player at matagal ng gustong manligaw sa kanya pero hindi nya ito binibigyang pansin. Ang dahilan hindi nya alam kung bakit..

" Rachel, gwapo ba yung si Chris Tiu?! curious na tanong ng Mommy nya, tumango lang si Rad at kinuha ang bouquet

" I will go na po Mom.. sabi ni Rad at akmang yayakapin ang Mommy nya para makipag besu besu ng pumasok si Iñaki

" Ninang.. Ninang.. Yakap please.. utal na sabi ni Iñaki, imbes na isundo ni Rad ang pag yakap sa Mom nya agad syang nagpunta kay Iñaki at pinasan ito

" Where are you going po Ninang?! utal na tanong ni Iñaki at hinalikan sya sa pisngi

" Sa Condo, may importante kasing lakad si Ninang eh sagot ni Rad

" Sinong kasama mo Rachel?! curious na tanong ng Mommy nya

" Si Jovs po Mom.. sagot ni Rad, tuwang tuwa naman si Iñaki

" Tita Jovs.. Gusto ko kita Tita Jovs, Ninang please po.. sabi ni Iñaki

" Baby boy, dalawin ka daw ni Tita Jovs pero di pa sa ngayon, medyo busy kasi sya eh.. Its all right lang ba sayo?! mahinahong tanong ni Rad, ngumiti si Iñaki at hinalikan sya sa pisngi

" Nagtuloy na ba talaga si Jovelyn sa Army, Rachel?! seryosong tanong ng Mommy nya

" Gusto po yun ni Jovs eh, tsaka matagal na po nyang dream na mapasama sa Philippine Army.. sagot ni Rad at ibinaba nya si Iñaki na nagtatakbo sa labas

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon