Chapter 27

1.6K 37 2
                                    



Rad's POV

Kasalukuyang tinatahak ni Rad ang way papunta sa San Juan Arena dahil magkakaroon sila ng Tune Up game against Ateneo at para na din yun sa paghahanda nila sa dadating na V league. Mamayang hapon ang flight nya papuntang Iloilo with Jovs at hindi nya alam kung makakaramdam ba sya ng excitement o kung ano. Masyado na kasing distant si Jovs at hindi masyadong sumasama sa kanila, tulad ngayon na mas pinili nitong magpahatid kay John Vic imbes na sumabay sa kanya o sa Coaster ng Army. Pero bakit nga ba sya nag aasume eh sa totoo wala na naman talaga syang karapatan dun sa taong nasaktan nya.

Ipinark nya ang sasakyan at kaagad na kinuha ang duffle bag nya, hindi naman open sa mga fans ang game kaya wala masyadong tao. Maliban na siguro sa mga students ng Ateneo na gustong mag cheer kina Aly.

Nag diretso kaagad si Rad papunta sa Dug out ng Army, nagkakagulo na ang mga Ateng sa loob habang nagseselfie. Mas matindi ang kaguluhang naganap ng dumating sya, parang lagi na lang nakakakita ng Artista ang mga ito, parang bago lang lagi ang lahat.

 Mas matindi ang kaguluhang naganap ng dumating sya, parang lagi na lang nakakakita ng Artista ang mga ito, parang bago lang lagi ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Jusko, nagkita na tayo nung mga nakaraang araw, kahapon at kaninang umaga ah bakit ganyan pa din reaksyon nyo.. Masyado na ba talaga akong maganda sa paningin nyong lahat.. natatawang sabi ni Rad at naupo sa tabihan ni Ate Sha at nag ayos ng buhok

" Masaya kami kasi makakapagsolo na kayong dalawa ni Jovs, yun kasi ang iniisip namin kanina pa at pinag uusapan na din.. Alam mo na trending topic na naman kayo.. sabi ni Ate Neneng na may pagkindat kindat pa kay Rad

" Nag iisip na naman ng SPG etong mga manang na to.. sabi ni Ate Tina, nagtawanan sila

" Bwisit lang ha.. Huwag nyo nga akong isama dyan sa mga kalokohan nyo.. sabi ni Rad at nag alis ng Tshirt para mag suot ng Jersey

" At pwede ba huwag nyo din akong silipan, nakakatunaw yang tingin nyo sa katawan ko ah.. masyado kayong take advantage eh.. natatawang sabi ni Rad, nagtawanan naman sila

" Bakit?! Si Jovs lang ba ang may karapatang makita yang katawan mo.. pagbibirong sabi ni Ate Ging, napatayo naman si Rad at pulang pula ang mukha nyang hinampas si Ate Ging ng hawak nyang tshirt

" Sobrang halay talaga ng isipan mo Ate Ging.. maktol ni Rad at mas lalo pa silang nagtawanan

" Asan ba yang si Gonzaga, late na naman sya.. sabi ni Ate Tina at tumingin sa relo

" Edi ba sinundo ni John Vic kanina, nauna pa nga satin bakit hanggang ngayon wala pa sya dito!? sabi ni Ate Neneng

" Sandali lang Ate ha.. Mag hi lang ako kina Aly.. sabi ni Rad at kaagad syang lumabas ng dug out.

Naglakad sya papunta sa dug out ng makita nya si Jovs na kinakausap ni John Vic sa tabihan ng Cr. Napansin nyang nakatungo si Jovs at nakita nyang mahigpit na hinahawakan ni John Vic ang braso ni Jovs. Pilit namang nagpupumiglas si Jovs pero hindi sya pakawalan ni John Vic

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon