Chapter 19

1.7K 35 0
                                    


Rad's POV

Matapos na mapakalma si Rad ni Tyang, agad na syang nagpaalam dito para magpunta muna sa bahay nila. Nagbago na ang isip nya na tumuloy sa Condo, gusto lang nyang makausap ang Kuya Miko nya and for sure namiss din sya ni Iñaki ng sobra o sya yung nakamiss sa kakulitan ng bata.

Ipinarada nya ang sasakyan sa parking lot ng mansion at kaagad na nagtatakbo papunta sa loob ng bahay. Ang advantage kapag wala ang Mama nya is that tahimik, peaceful at may laya silang mag kapatid na kabaliktaran kapag nasa Pinas ang Mom nya. Pabor talaga yun sa kanilang dalawa ng kanyang Kuya Miko, lahat nagagawa nila at lahat pwede nilang puntahan. It was almost 5pm na din at kailangan pa nyang mag ayos papunta sa Party. Kung ano bang party ang pupuntahan nya, wala syang ka ide ideya.

" Kuya Miko!! tawag ni Rad at kaagad na dumiretso papunta sa Kitchen pero hindi nya matagpuan ang kapatid nya

" Kuya!! Asan ka bang ubod ng pangit ka.. Kuya!! tawag pa nya at halos malibot na nya ang buong bahay hanggang sa makarinig sya ng hiyawan sa may backyard nila.

Dumungaw sya mula sa balcony ng sitting room nila sa taas at dun nga nakita nya si Kuya Miko nya with his other set of friends at mukhang kilala pa nya kung sino ang mga ito.

" Kuya!! sigaw ni Rad, nagtinginan naman sa kanya ang mga nasa baba at sa hindi sya maaring magkamali, sina LA Revilla, Mark Torres at Chris Tiu ang kasama ng Kuya nya

" Grabe ka Kuya, talagang isinama mo pa yan dito sa bahay!!Wala ka man lang respeto sakin!! galit na sigaw ni Rad pertaining to Mark Torres

Nagdabog si Rad na bumaba ng hagdanan at kaagad na nagdiretso papunta sa Porch nila kung saan nadatnan nyang nag iinuman ang mga lalakeng ito.

" Hi Rad.. bati ni Kuya Miko na may pag kaway pa sa kanya, samantalang napatingin na lang ang tatlo pa ng makita nilang namewang si Rad at mukhang tatarayan ata sila

" Why they are here Kuya?! Especially this asshole!? galit na tanong ni Rad sabay turo kay Mark na hindi naman makaimik

" Rad, its been 1year ang a half, tapos na sa inyong lahat ni Mark kaya okay naman na magpunta sya dito sa bahay at maka jamming ako. Hindi naman ikaw yung pinuntahan nya at ako diba!? sabi ni Kuya Miko, napataas naman ang kilay ni Rad

" Aba at talagang si Torres pa yung pinagtanggol mo Kuya ha, samantalang ako yung kapatid mo at ako yung na agrabyado nya!!.. galit na sabi ni Rad

" Rad please, lets reconcile na, tapos na yung noon kaya let us be friends!! panunuyo ni Mark, napa smirk naman si Rad

" Ay Grabe lang Mark, hindi lahat ng mga Ex sa buong mundo nagiging friends at ibahin mo ako.. I may forgive you but hanggang doon na lang yun, theres nothing more I can offer pa.. inis na sabi ni Rad at tumingin kay Chris Tiu na napangiti naman sa kanya

" Hi Rachel, its so nice to see you.. nakangiting bati ni Chris, nag nod lang si Rad sa kanya

" Salamat sa mga flowers I forgot to thank you for that, LA anong ginagawa mo dito?! tanong ni Rad kay LA na tahimik lang na nakaupo at umiinom

" The reason were having this bonding Sis eh dahil kay Luis Alfonso.. sabi ni Kuya Miko na inakbayan si Rad na mabilis namang inalis ni Rad ang kamay nito sa balikat nya

" Anong drama meron LA?! tanong ni Rad, tumingin sa kanya si LA at huminga ng malalim

" Wala na kami ni Den.. mahinang sabi ni LA at natahimik na ito

" Wala!? Bakit?! Anong nangyari?! Kailan pa?! Okay pa kayo ah na last time na makita ko kayo .. Nambabae ka ba?! sunod sunod na tanong ni Rad, siniko naman sya ni Kuya Miko

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon