( Jovs POV )Nakatayo si Jovs sa tapat ng salamin habang ipinonytail ang buhok nya, ayaw nyang lumabas mula sa kwarto. Katatapos lang ng mahabang araw nya sa duty at nadatnan nyang masaya silang lahat dahil kay Rad, dahil dumating si Rad at nandito si Rad kasama nila. Dapat din ba syang maging masaya?! Hindi nya alam kung bakit gustuhin man nya ang sariling tanungin si Rad kung anong nangyari parang nauunahan yata ng galit at disappointments ang lahat. Pakiramdam nya niloko sya ng isang taong kahit buhay nya kaya nyang ibigay dito, isang taong ipinagkatiwala nya ang lahat lahat ng sa kanya. Gaano kaya kasakit yun!? Gaano kaya kasakit na iwanan ka ng walang dahilan na sa puntong yun ay mahal na mahal mo na sya?!
Huminga ng malalim si Jovs at naupo sa kama, kinuha ang mobile at inilagay ang headset dito. Ayaw nya lang talagang makita si Rad sa ngayon o marinig ang boses nito, hindi nya alam pero tyak namang hindi nya maiiwasan. At hindi sila pwedeng mag iwasang dalawa dahil nakapangako na sya kay Ate Tina na gagawin nyang lahat para sa team, they will talk Professionally.
( Flashback )
" Asan si Jovs!? boses yun ni Ate Tina at alam ni Jovs na mainit ang ulo ng Ate nya, kaagad syang nagbalot ng kumot at nagpanggap na natutulog
" Gonzaga!!! Huwag mo akong tulugan dahil kelangan nating mag isap ngayon!! Huwag mong abutin na masasaktan ka sakin!! sigaw ni Ate Tina at naramdaman ni Jovs na hinila ni Ate Tina ang kumot
" Ate.. mahinang sabi ni Jovs, galit si Ate Tina dahil hindi maiexpress ang hitsura nito, naupo si Jovs
" So ano!? gusto mong patayin yang sarili mo!! Gusto mong maging ganito!! galit na sabi ni Ate Tina, hindi umimik si Jovs at umagos ang luha sa pisngi nya
" Jovelyn, hindi ito ang paraan para mag move on hindi mo dapat patayin yang sarili mo dahil sa lecheng pagmamahal na yan!! Hindi kita nakilalang mahina, lahat ng bagay alam ko na matapang ka, hindi si Rad ang magpapabagsak sayo!! galit na sabi ni Ate Tina, napahagulhol si Jovs
" Ate Hindi mo kasi naiintindihan.. sabi ni Jovs
" Anong hindi ko naiintindihan!? Leche naman Jovs!! Bakit?! Dumaan din naman ako sa edad mo, nagmahal naman din ako, nasaktan ako, niloko ako, nireject ako pero hindi ako tanga para gutumin ang sarili ko o magmukmok katulad nyang kalokahan mo!!.. Jovs, please lang maawa ka sa sarili mo, isipin mo yang pangarap mo!! Hindi iisang tao ang magbibigay sayo ng dahilan para mag give up!! sabi ni Ate Tina na medyo malumanay ng magsalita..
" Ate ang sakit kasi.. Bakit nya yun ginawa sakin!? galit na tanong ni Jovs, lumapit si Ate Tina at naupo sa tabihan nya at niyakap sya pa side ways
" Hindi ko masasagot yang mga bagay na yan, dahil ayokong manghusga.. Ayokong husgahan si Rad pero dadating ang araw magpapaliwanag sya sayo kung ano bang totoong dahilan. Jovs if thats happen makinig ka sa kanya, kung hindi mo man kayang ibalik ang tiwalang nawala, sana huwag mong kalimutan na may pinagsamahan kayong dalawa.. sabi ni Ate Tina, tumango si Jovs
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
FanfictionWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...