Chapter 32

1.7K 36 2
                                    

Jovs POV

Nagising si Jovs at kaagad na napahawak sa pisngi nya ng makaramdam sya ng pananakit nito. Awtomatiko na syang bumangon at ipinonytail ang buhok nya, saka pa lang nya naramdaman na hindi pala sya nag iisa sa pagkakahiga nyang yun kanina. Nakahiga sa tabihan nya si Rad, nakapaling ang mukha nito sa kabilang bahagi. Napahalumbaba naman si Jovs at pinagmasdan si Rad, ang style ng pagtulog nito, ang katawan nito, ang peacefulness sa mukha nito. Napangiti si Jovs at hinigit ang kumot sa paanan ng hinihigaan nila at kaagad nyang ibinalot sa katawan ni Rad. Saka na nya napagdesisyunan na tumayo at lumabas sa kwarto.

Pagkatapos nyang makatapos sa Cr ay kaagad na syang nagpunta sa may kusina kung saan naririnig niyang nagsisigawan ang mga Ate, kung ano bang pinagkakaguluhan ng mga ito, may ideya na sya kung ano.

" Good morning!! matamlay na bati ni Jovs, natahimik naman silang lahat at nagtinginan kay Jovs

" Anong drama nyong yan!? tanong ni Jovs at akmang didiretso sa kusina para magluto pero hinatak sya ni Ate Ging

" Sandali lang naman at may hindi ka ipinapaliwanag sa amin,Jovelyn.. sabi ni Ate Ging

" Tungkol ba saan yun Ate!? tanong ni Jovs

" Sumuko ka na ba agad kay Chel, ganon na lang ba kabilis yun, ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon na malagyan man lang ng konting ingredients yang love story nyo. Anong nangyari Jovie!? Bakit nagkaganito!?.. makulit na tanong ni Ate Ging, napakamot sa batok si Jovs, ang bilis talagang makabalita ng mga ito

" Dont worry at hindi si Chel ang nag sabi sa amin kundi si Abigail, kausapin ka daw namin para magbago yang isip mo!! sabi ni Ate Michelle, huminga ng malalim si Jovs at akmang pupunta ulit sa kusina

" Teka, ang bilis mo naman, hindi pa nga namin nalalaman yang sagot mo eh.. inis na sabi ni Ate Ging

" Ate, hindi na magbabago ang isip ko, buo na yung desisyon ko, yun na po yung sagot.. malungkot na sabi ni Jovs

" Ano!! Bakit naman ganon Jovs!? Sandali nga at mag usap tayo!! sabi ni Ate Ging na ayaw talaga syang tantanan

" Magandang umaga!! bati ni Rad na napaka positive ng aura nito, kumawala naman si Jovs sa pagkakakapit ni Ate Ging at nagdiretso agad sa kusina.

Gusto nyang magpasalamat kay Rad dahil nasa tyempo ang pagdating nito, dahil kung hindi tyak na ma hohot seat sya ng di oras kina Ate Ging na mukha pang broken hearted kesa sa kanya. Nadatnan nya dun si Ate Tina na umiinom ng coffee at nagbabasa ng dyaryo. Lumapit si Jovs at nagkiss sya sa pisngi nito bilang respeto, tumingin lang si Ate Tina sa kanya.

" Galit ka ba, Ate!? tanong ni Jovs, ibinaba ni Ate Tina ang newspaper at tumingin sa kanya ng diretso

" Saan ako dapat na magalit Jovs, buhay mo yan at ikaw yung may hawak ng buhay mo, ikaw yung bahala sa mga bagay na makakapagpasaya sayo. But Jovs, ayoko na maririnig sayo na nasasaktan ka, ayoko na mag reregret ka kung bakit mas pinili mo yung isa kesa dun sa taong mahal mo okay!? assure ni Ate Tina, dahan dahang tumango si Jovs

" Eh yan bang dahilan mo Jovs eh nasisigurado mo sa puso mo na strong para pakawalan si Rachel!? tanong ulit ni Ate Tina

" Eh sa tingin nyo po ba strong po yung dahilan ko!? tanong ni Jovs at binuksan ang kalan para mag umpisang magluto

" Ang dahilan mo yung mga tao sa paligid nyo, kung anong sasabihin nila, yung career nyong dalawa, yung mga bagay na attach si Chel na ayaw mong masira, yung pangalan ni Chel sa industry kasi mahalaga yun sa kanya. Tama ba!? sabi ni Ate Tina, tumango si Jovs

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon