Jov's POV
Nakahiga si Jovs sa kama nya at hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya. Muntikan na syang bumagsak sa may CR dahil sa sobrang hilo, nag pass out din sya ng ilang beses ganon na wala namang syang gaanong kinain.. Sa time na to hindi nya alam kung gusto nyang umiyak sa sobrang lungkot na nararamdaman nya. Lalo pa kapag naaalala nya kung gaano sya alagaan ng Mama nya kapag may sakit sya. Gustuhin man ng mga Ate nya na magpaiwan ang isa sa kanila, hindi na sya pumayag dahil requirements nila yun. Pero ang mabuti sa kanila ay talagang inasikaso muna sya bago sila umalis.. Laking pasasalamat nya dahil napabilang sya sa isang team na hindi lang mga kaibigan nya kundi pamilya na din ang turingan nila.
( Flashback )
Maaga sa pila ang buong Lady Troopers dahil sa sobrang strict ng Commander nilang si Sergeant Alvarez na palaging bumubuga ng apoy, kahit si Jovs ay maaga ding nagising para sa gaganaping assembly. Pero nagising sya na sobrang sama ng pakiramdam nya, kahit panliligo ay mabilis lang nyang nagawa dahil sa sobrang panlalamig nya.
" Jovs okay ka lang ba?! tanong ni Ate Michelle na hinahagod ang likod ni Jovs
Umubo ng ilang beses si Jovs at ngumiti kay Ate Michelle na halatang halata ang matinding pag aalala..
" Oo Ate Okay lang ko.. Inuubo lang ng konti.. matamlay na sagot ni Jovs
" Ang putla mo eh tsaka sobrang ganit nyang ubo mo, huwag ka na lang kayang umattend, sabihin ko kay Ate Tina.. sabi ulit ni Ate Michelle na kinulbit si Ate Tina na nasa unahan nila at nakikinig sa nagsasalita
" Ano yun Mich?! lumingon si Ate Tina ganon din sina Ate Neneng at Ate Joanne
" Si Jovs Ate eh.. Tingnan mo nga mukhang hindi sya okay.. agad na sabi ni Ate Michelle, umuubo pa din si Jovs at nakahawak sa balikat ni Ate Michelle
" Jovs, okay ka lang, bakit ganan ka kaputla?! tanong ni Ate Tina, tumingin si Jovs kay Ate Tina pero naging blanko na ang lahat..
Nagising na lang si Jovs na nasa loob ng Emergency Room ng kanilang Hospital, si Ate Tina ang kumakausap sa Doctor.. Rinig nyang nagkakagulo sa labas ang mga Ate nya, pinipilit nyang tumayo pero pinigilan sya ng Nurse
" Doc.. Gumising na po si Private First Class Gonzaga.. gusto sanang matawa ni Jovs sa narinig nya kaya lang wala ang malay nya dito ngayon
Agad namang nagpunta ang Doctor na tinawag ng Nurse, kasunod si Ate Tina na balisang balisa..
" Jovs.. Okay ka lang?! Sabihin mo yung nararamdaman mo kay Doc.. sabi ni Ate Tina
" Ate, ayoko dito eh.. hikbi ni Jovs, napakamot sa ulo si Ate Tina
" Eh hindi naman eto yung time para mag joke Jovelyn eh pag aalalang sabi ni Ate Tina, umiling si Jovs sa kanya
Takot talaga sya sa hospital, simula nung mawala ang Mama nya, parang ayaw na nyang pumasok sa Hospital..
" Jovs hindi pwedeng ayaw mo dito eh.. Nawalan ka ng malay, sabi ni Dr. Over fatigue ka daw paano ka gagaling?! madiing tanong ni Ate Tina
" Ate please... Ayoko po dito.. pagmamakaawa ni Jovs, naupo naman si Ate Tina sa tabi nya at inakap ito..
" Eh takot ho Doc si Jovelyn sa Hospital eh Ano hong gagawin natin?! Meron ho syang phobia dito..mahinahong tanong ni Ate Tina
" Bibigyan ko na sya ng gamot then mamayang gabi, mga 6pm siguro painumin mo na lang sya nung ibibigay ko sayong iba pa, start mo then every 12 hours.. Nakalagay sa Chart nya yung mga gamot di kahit paano mapupuntahan namin sya dahil ieendorse ko naman sa next shift Sergeant Salak.. paliwanag ng Doctor
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )
Fiksi PenggemarWhat if you fall in love with someone you didnt really expect to fall in love with?! What if theres so many hindrances along the way?! Will you allow your heart to fall in love, will you take every risk just to be with that person!? Will you believ...