Chapter 22

1.6K 29 1
                                    

(Four Months Later )

Jov's POV

Nakatayo si Jovs sa tabihan ng cubicle ng office nila habang hinihintay si Sergeant Alvarez na pirmahan ang mga folders na ibinigay nya dito. Sa dami ng paper works na kailangan nyang tapusin hindi nya alam kung aabutin pa ba nya ang training. Matapos kasi nilang mag champion against AFP ay napagdesisyunan ng nakatataas na sumali sila sa PSL which is by the next month na mag sisimula. Excited ang mga Ate nyang sumali sa PSL dahil eager ang mga itong makuha ulit ang championsip lalong lalo na si Ate Tina.

Mas pinagtuunan ng pansin ni Jovs ang trabaho nya at career sa Volleyball, that four months after what happened between her and Rad was just a part of her memory na lang. Hindi nya alam kung ano ba ang dahilan, kung bakit nangyari ang lahat at saan nag umpisa. Bakit sya iniwan ni Rad, bakit hindi man lang nya alam kung saan ba ito nag punta. Kung sa Germany man yun tyak na man na magpapaalam yun sa kanya but unfortunately kahit ano wala. Madalas nyang tanungin si Tyang, nakulitan na nga ito sa kanya dahil sa katatanong pero wala syang nakuhang impormasyon kay Aby.

Tama na Jovs, sinasaktan mo na naman ang sarili mo, nakakapagod magmahal, nakakapagod umasa at mas nakakapagod ng maniwala pa na hindi ka iiwan ng isang taong pinagkatiwalaan mo ng sobra. Malimit itong sabihin ni Jovs sa sarili nya, ano pa nga bang ibang iisipin nya bukod dito, kung sa iba ngang tao eh hindi nila alam kung paano mag let go at makapag move on. Sya pa kayang nasa beginning pa lang eh iniwanan na..

Tama na Jovs, stop na!! sigaw ng utak at puso ni Jovs at huminga sya ng malalim.

" Corporal Gonzaga, pinirmahan na ni General ang Leave mo, eto yung folder.. sabi ni Sergeant Alvarez, matapos na maging Corporal ni Jovs eh medyo bumait si Sergeant Alvarez sa kanya.

" Thank you po Sir ha.. pasasalamat ni Jovs at kinuha ang folder kay Seargent

" Saan ka ba magbabakasyon!? usisang pagtatanong ni Seargent

" Bakit po Sir?! Pati po Private life ko kelangan nyo ding itanong, de joke lang!! Uwe lang po ako sa Guimaras then balik din po ako agad.. paliwanag ni Jovs at agad na sumaludo kay Sergeant

Halos gustong halikan ni Jovs ang folder na natanggap nya, two weeks kasi ang hiningi nyang leave na agad namang pinaburan ng nakatataas. Nagpapasalamat sya dahil nanalo sila against AFP kung hindi siguro yun nangyari tyak na malabong mangyaring papayagan syang magbakasyon.

Pakanta kanta syang nagpunta sa Barracks, almost 5:30pm na din at abala na ang mga oldies na maghanda ng pagkain nila. Nakaupo lang si Ate Tina sa may tabihan habang minamanduhan si Royse, ito kasi ang nakatokang magluto ngayong araw kasama si Tin.

" Hi mga Ate, Good afternoon!! nakangiting bati ni Jovs at hinalikan sa pisngi si Ate Tina na mainit ata ang ulo

" Ang saya mo Jovs ah.. Inlove lang ang peg!! pang aasar ni Ate Sha, ngumiti lang si Jovs

" Anong nangyari sayo mukhang nag iba yang awra mo, kaninang umaga para kang tigre sa tindi ng pag kamoody mo!! Aba Jovelyn magpagamot ka na at malala na yan?! puna ni Ate Tina at hinampas si Royse ng sandok sa may bandang puwitan dahil akma pa itong makikiusyoso

" Naku Ate Tina pag nalaman nyo ang sasabihin ko, magiging happy kayo sakin, pinayagan na po akong magleave.. masayang sabi ni Jovs at iwinagayway ang folder, napansin ni Jovs na medyo natatawa ang mga Ate nya

" Anong nakakatawa?! inis na tanong ni Jovs at itinigil ang pagwawagayway sa folder

" Pinayagan din kaya kami ni General Jovelyn, hindi lang kaya ikaw.. pang aasar ni Ate Joanne, nagtawanan na naman sila

Nothings Gonna Stop Us Now ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon