Kabanata : 6

34.6K 609 18
                                    

Cath's POV


''Hija sinabi saakin ng isang katulong namin na medyo may kalumaan na ang mga damit mo. Bumili ka ng bago.'' Agad naman akong napatingin kay Tito Leonardo dahil sa sinabi niya. ''Naku Tito wag na po. Okay lang naman po ako.'' Sagot ko sa kanya.



''Pakipot kapa alam ko naman na gusto mo 'yan.'' Sabi ni Zech at agad na sinubo ang hotdog na kinakain niya. ''Zech!'' saway ni Tito Leonardo sa masungit niyang anak. Agad naman akong nag tongue out kay Zech at umirap lang siya.



''Alis na ako.'' Sabi ni Zech at agad ng tumayo. ''Aalis? Wala ka namang pasok nagyon.'' Pigil ni Tito Leonardo sa anak. ''Pero may pupuntahan ako.'' Sagot naman ni Zech at agad ng umalis. ''Isama mo si Catherine ibili mo siya ng damit.'' Utos ni Tito Leonardo.



''Naku Tito hindi na po ayos nap o ako sa mga-'' magsasalita pa sana ako kaso nagsalita na si Zech. ''Bilisan mo mag damit kana ayokong naghihitay ng matagal.'' Utos niya saakin at hinigot ako patayo. Tinignan ko muna si Zech ng masama at umakyat na ako sa kuwarto para magdamit.



''Mukhang nakatulog kana. Edi di na tayo tuloy ah?'' bulong ko sa tenga ni Zech dahil kababa ko nakita ko na nakapikit na siya so knock out na siya. Agad na akong tumayo at lalakad na papunta sa kuwarto ng biglang may humila saakin at paglingon ko ay si Zech pala 'yon.



Dinala ako ni Zech sa isang shop halata palang sa labas mahal na ang mga damit sa loob. Agad na kaming pumasok at tinignan ko ang mga damit ang gaganda lahat siguradong hindi babagay saakin ang mga ito kapag sinuot ko. ''Ayoko dito.'' Sabi ko at agad na tangkang aalis na.



''Si Dad ang magbabayad sa bibilhin mo kaya pumili kana. May pupuntahan pa ako kaya bilisan mo.'' Sabi ni Zech at agad na may kinuhang isang dress na pure white at inabot saakin. ''Isukat mo 'yan.'' Utos niya saakin tinignan ko naman ang dress maganda naman ito pero parang may mali lang kapag tinitignan ko ito. Mayamaya ay bigla kong nalaman ang mali sa dress na hawak ko.



''Gusto mo akong magmukhang sadako ano?'' bigla kong tanong kay Zech ng may halong pagkainis agad naman siyang lumingon saakin dahil busy siyang naghahanap ng iba pang damit. ''Hindi sadako. White Lady ang balak ko.'' Sabi ni Zech agad na hinagis ko sa kanya ang dress na binigay niya saakin.



''Wala katalagang puso! Super!'' inis na sabi ko at nag punta sa ibang part ng shop para maghanap ng damit. Napatigil ako ng Makita ko ang isang cute na white and black dress na may peter pan collar at cute na maliit na neck tie na parang iyon ang design ng dress kaso ng tignan ko ang presyon nakaka lungkot sobrang mahal.



''May napili kana?'' tanong ni Zech saakin agad ko naman binitawan ang price tag ng dress na nagustuhan ko. ''Wala pa.'' pagsisinungaling ko. ''Sa ibang lugar na lang tayo pumunta.'' Siguro pag sa iba may mas magugustuhan ako at nasa tamang tama lang ang presyo.




''No. Andito na tayo kaya pumili kana.'' Sabi ni Zech saakin halatang naiirita na rin siya. ''Pero mahal dito. Hoy anong ginagawa mo?!'' sigaw ko nakita ko kasi na basta basta na lang kumuha si Zech ng mga damit at binigay sa babae.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon