Kabanata : 46

24.7K 418 24
                                    

Cath's POV


Maaga akong nagising hindi ko nga alam kung nakatulog nga ba ako ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Mukha ba akong tanga dahil binigyan ko na chance ulit si Zech sa buhay ko?



Kung mahal mo talaga ang tao bibigyan mo ng maraming pagkakataon. Sigaw ng isip ko.



Ang tanong worth it ba? Hindi naman utak ang nasasaktan kundi puso! Maawa ka naman saakin wag kang tanga. Sigaw naman ng puso ko. Napa-iling na lang ako nababaliw na siguro ako kinakausap ko ang puso at isip ko.




Napatigil ako sa pagpunta ko sa kusina ng Makita ko sa sala si Zech doon lang nag sink in saakin na kasama pala namin s'ya sa isang suite napa tingin ako sa wall clock at nakita ko na 6 am palang. Nag salubong ang kilay ko.





Wala itong suot na pang itaas at naka panjama lang habang 'yung kumot n'ya ay nakahulog. Naka side s'ya sa sofa siguro dahil hindi s'ya kasya sa sofa sa laki ba naman tao n'ya. Pero napaka amo talaga ng mukha ni Zech kapag tulog.




Well maamo naman ata lahat ng mukha ng tao kapag tulog Catherine!




Lumapit na ako kay Zech at inayos ang kumot na nakahulog lang at ibinalot sa kanya. Umungol ng mahina si Zech at gumalaw ng konti pagtalikod ko ay biglang nagsalita si Zech. ''Thanks.'' Nabigla naman ako at lumingon sa kanya.




''Zech naman kung magtha-thank you ka wag kang mangugulat!'' pati tuloy puso ko nagulat kaasar! Pag lingon ko ay nakita kong naka pikit na ulit si Zech at mukhang nakatulog na ulit. Pambihira talaga ang isang 'to.




Nagtimpla na ako ng kape at pabalik na sana ulit ako sa kuwarto ng Makita ko si Zech na yakap yakap ang unan habang naka ballot sa kumot hindi ko mapigilan na hindi mapangiti parang takot itong mawala sakanya ang kumot at unan n'ya.




Pag pasok ko sa kuwarto ay nakita ko na mahimbing pa 'rin ang tulog ni Zack nilagay ko muna sa isang gilid ang kape na hawak ko at tumabi kay Zack naka tagilid ako para kitang kita ko ang naka gilid na mukha n'ya.




Nalala ko naman ng pumunta ako ng New York na buntis ako at wala sa tabi ko si Zech muntik pa nga malaglag si Zack sa loob ng tyan ko wala pa naman akong kasama non sa tinutuluyan namin pero ito at nasa harap ko na ang guwapong anghel ko.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon