Kabanata : 8

33.7K 532 14
                                    

Cath's POV


''Late na ako!'' agad kong nabitawan ang alarm clock ko nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko at nagmamadaling pumasok sa banyo at mabilis na naligo. Tumatakbo pa akong lumabas sa kuwarto ko at mabilis na bumaba sa hagdan nakita ko naman na kumakain na si Zech.



''Wala si Tito?'' nagtatakang tanong ko sa kanya nagkibit balikat naman siya. Kumuha na ako ng hotdog at basta basta na lang na kinain 'yon nakita ko naman na binigyan ako ng nakakadiri na tingin ni Zech.



''Oh? Bakit ganya ka makatingin? Kainin kita ng buhay e!'' inis na sabi ko at agad na kumuha ng juice. ''Can you please act like a REAL Lady.'' Sabi ni Zech at diniin pa ang ''Real'' sa harap ko. ''So anong pinapalabas mo? Na mukha akong bakla?'' nagtatakang tanong ko at sumubo ulit ng hotdog.



''Napaka stupid mo.'' Sabi ni Zech at tumayo na nagmamadali naman akong uminom at sinundan na siya. ''Sabay na tayo!'' sabi ko kay Zech nagtaka naman ako ng lumabas ito ng gate na hindi sakay ng sasakyan nito.



''Hala! Nakalimutan mo 'yung sasakyan!'' sigaw ko kay Zech naiirita naman siyang humarap saakin. ''Mag lalakad lang ako.'' Sabi nito at tuloy tuloy na sinundan ko naman siya. ''Ang layo kaya ng school sa bahay! Anong feeling mo bayani kana?'' tanong ko sa kanya.



''May short cut dito. Anong sa tingin mo maglalakad ba ako kung malayo ang pupuntaan ko? Utak please.'' sabi ni Zech tumango tango naman ako. ''Alam mo ma-una kana maglakad saakin ayokong nakikita ka.'' Agad naman ng laki ang mata ko ng sabihin saakin 'yon ni Zech.



''Anong sabi mo? Ayaw mo akong Makita? Ayaw din kitang Makita noh!'' iritang sabi ko at na-una ng maglakad sa kanya. Pero agad din naman akong napatigil sa paglalakad. ''Ayaw mo akong nakikita diba? Bakit pina-una mo pa ako? Puwede naman ako sa likuran mo?'' umiling lang si Zech at naglakad na.



''May HD ka siguro saakin!'' pagmamayabang ko nakita ko naman na lumingon siya saakin. ''HD?'' nagtatakang tanong niya. ''Oo HD! Hidden Desire!'' hah! Ang tanga ng lalaking ito HD lang hindi pa alam!



''Really huh? Iba ang HD na alam ko.'' Sabi niya saakin. ''Aba't alam ko 'yan! Hight Defenition!! Sus, Napaka dali ang talino ko talaga.'' Pagmamayabang ko. ''Mali ka.'' Masungit na sabi niya.



''Ako?'' sabay turo sa sarili ko. ''Mali ba? Sige nga ano!?'' hamon ko sa kanya. ''Tama ka may HD nga ako sayo.'' Sabi ni Zech habang nakatingin saakin naramdaman ko naman na namula ang pisingi ko. ''Hidden Diri.'' Sabi ni Zech pagkatapos ay ngumisi saakin at naglakad na siya. ''Aba't?! Baliw ka! Drug addict!'' sigaw ko kumaway naman siya saakin at agad na kumaliwa.




''Hoy! Hintayin mo ako! Papatayin kita!'' sigaw ko at agad ko siyang hinabol ng mabilis. ''Ikaw pa ang may ganang mandiri satin dalawa! Hmmp!'' inis na sigaw ko habang hinahabol siya.



Hinahabol ko ang hininga ko ng makapasok na ako sa classroom. ''Nakakainis na Zech 'yon! Humanda ka talaga saakin! Grr!'' inis na sumpa ko bago dumating ang prof namin na hindi pa pantay ang wig.



''Sir Hindi po pantay ang piluka niyo!'' sigaw ko dahil mukhang ako lang ang nakapansin tumingin naman saakin 'yung prof namin na mukhang galit na galit. ''Get out!'' sigaw niya saakin nagmamadali naman akong tumayo at lumabas narinig ko pa na tumawa ang mga classmate ko.



''Wow ah? Nahiya naman ako sakanya. Ako na nga ang nagpaalam na hindi pantay ang piluka niya siya pa ang galit! Hmmp.'' Inis na naglakad na lang ako at pumunta sa may garden tahimik na umupo na lang ako doon.



''Hi!'' agad akong napatingin sa tumawag saakin. ''Hello?'' alanganing bati ko. ''Bago kalang dito right?'' agad naman akong tumango. Masyado bang obvious na bago lang ako? ''I'm Dalton. And you?'' tanong niya saakin. ''Catherine. You can call me Cath.'' Sabi ko at agad na tinggap ang nakalahad na kamay niya.



Ito ba ang mga nababasa ko sa isang novel 'yung may guwapong lalaki kang makakausap ka tapos magiging kaibigan kayo tapos magiging close kayo tapos magkakagustuhan kayo sa isa't isa tapos masasaktan ka tapos maghihiwalay kayo tapos magpapakamatay ka?




''Wahh!'' bigla kong tili agad naman nagulat ang kasama ko at hinawakan ako. ''Ok ka lang Cath?'' tanong saakin ni Dalton agad naman akong tumango. ''Oo lumipad lang sa mars 'yung utak ko.'' Sabi ko nagulat naman ako ng tumawa ito.



''Ang gwapo mo este mukha kang baliw! Anong nakakatawa?'' biglang tanong ko kay Dalton. ''Nothing. Sorry haha. Ang cute mo kasi e.'' sabi ni Dalton at basta basta na lang kinurot ang pisingi ko. Ng biglang may tumawag kay Dalton.



Agad kaming napalingon at nakita ko si Zech kasama ang isang bamboo este si Lory. ''Dalton kanina pa kita hinahanap.'' Masungit na sabi ni Zech agad naman tumingin si Zech sa direksyon ko agad akong nag iwas ng tingin.



''Opps. Sorry Bro may nakita lang akong magandang dalaga dito kaya napatigil ako.'' Sabi ni Dalton at kumindat saakin. ''Omg! Bagay kayong dalawa Dalton!'' sabi naman ni Lory saamin with maarteng boses pero may point siya gwapo si Dalton at maganda ako kaya bagay kami.




''I don't think so na bagay sila baka mahawa ng pagiging stupid si Dalton.'' Masungit na sabi ni Zech. ''Magkakilala kayo Zech?'' tanong ni Dalton kay Zech at tumingin saakin agad naman umiling si Zech. ''No I don't know her.'' Sabi ni Zech at umalis na.



''Tch! Sobrang yabang bagay kayo ni Bamboo Girl! Magsama kayo!'' inis na sabi ko agad naman akong napatingin kay Dalton mukhang kaibigan ni Dalton ang antipatikong 'yon. ''Kaibigan mo si Zech?'' tanong ko kay Dalton tumango naman ito.




''Grabe. Sayang ka. Kaibigan moa ng antipatikong 'yon.'' Sabi ko nakita ko naman nagtataka si Dalton. ''Sige una na ako ah? Bye!'' paalam ko at agad ng umalis palayo.




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! FOLLOW ME. THANK YOU AND GODBLESS!


TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon