Zech's POV
Napa-iling ako dahil haggang ngayon ay hindi ko pa 'rin makalimutan ang nangyari kanina sa Thunder Company. Damn it. Bakit ko ba naisipan na sundan si Catherine na ganoon lang ang suot? Nahawa na 'din ba ako sa katangahan ni Jason?
'Saka bigla na lang ako sinukaan ni Catherine mukha na ba akong kasuka suka katulad ni Nick? O mukha na akong lababo katulad ni Lance? ''Yow Zech!'' agad naman akong napatingin sa biglang pumasok na sila Nick, Lance at ang kambal na sina Teejay at Terrence.
''What do you all want---'' bago ko pa matuloy ang sasabihin ko sakto naman na pag pasok ni Jason at Dylan. Nakita ko kung paano ngumisi si Jason saakin at alam ko na may masamang balak ang sira ulong 'to. Pero nag kunwari na lang ako na walang alam.
''Anong kailangan n'yo?'' masungit na tanong ko. Sabay sabay naman silang nag salita. ''Isa-isa lang.'' sabi ko sa kanila agad naman nag taas ng kamay sila Nick , Lance at Jason pero hindi ko sila pinag tuunan ng pansin tumingin ako kay Terrence.
''Teejay text me kaylangan ko daw pumunta dito.'' Tumingin naman ako kay Teejay.
''Dylan Text me.'' Sabi ni Teejay at tinuro si Dylan. Tinuro naman ni Dylan si Lance.
''Gusto kong makipag laro sa'yo ng jackstone!'' naka ngising sabi ni Lance at agad na nilabas ang Jackstone n'ya.
'' Akala ko ba maglalaro tayo ng tagu-taguan?'' mayamaya ay sabi ni Nick at tumingin kay Lance. ''Akala mo lang maglalaro tayo pero hindi! Hindi! Hindi!'' madrama na sabi ni Lance na agad naman sinundan ni Jason.
''Wala sa'yo Nick! Akin lang si Lance!'' agad naman tinulak ni Nick si Lance papunta kay Jason. ''Iyong iyo na s'ya!'' sigaw ni Nick at agad na lumapit saakin at inakbayan ako. ''Alam mo Zech umupo ka muna.'' Sabi ni Nick at agad na tinulak si Lance at Jason nan aka upo sa Sofa.
''Oo nga Relax ka lang wala naman kaming gagawin sa'yo Zech kaibigan mo kami.'' Sabi ni Lance. ''Pero wala akong tiwala sa inyo.'' Masungit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED) WATTYS 2016
RomanceThe Bachelor Series #4 : Zech Sky Gomez. THE WATTYS 2016 award for ''Voracious Reads"