Kabanata : 16

24.3K 414 3
                                    

Cath's POV


Tatayo na sana ako at lalayo na kayla Zech ng biglang magsalita si Lory. ''Alam ko na ginamit mo lang si Cath para malayo siya kay Dalton at sa Daddy mo right? At ginamit mo lang din siya para pagselosan ako diba Sweetheart?'' malambing na sabi ni Lory.


Tahimik na pinagmasdan ko si Zech pero hindi ko naman masyadong Makita ang mukha niya dahil may paka madilim ang paligid. Hindi ito sumagot sa tanong ni Lory ibig sabihin ba non ay totoo 'yon?



Napaka laking tanga mo talaga Catherine! Inis na hiyaw ko sa isip ko. Ginagamit kana lang hindi mo pa nararamdaman nakakaawa ka! Letche! Ano pang tinatayo tayo mo ngayon dyan Catherine? Lumayas kana wala ka ng mapapala!



Mabilis na tumango ako tama ang utak ko dapat hindi na ako mag istay pa the more na matatagalan at makikinig ako sa usapan nila Zech at Lory mas lalo lang akong masasaktan plus mas lalo pa akong magmumukhang tanga idagdag pa ang kawawa effect.




''Makipag hiwalay kana kay Catherine 'yun ang dapat mong gawin Zech dahil mas mapapasaya kita.'' Sabi ni Lory lahat na ata ng dugo ay pumunta sa ulo ko sa sobrang galit kung may mas dapat atang kaawaan saaming dalawa ni Lory ay siya 'yon.




''I can't Lory. I'm Sorry.'' May biglang dumaloy na pag-asa sa damdamin ko ng marinig ko kay Zech 'yon. Siguro noon ayaw niya saakin pero ngayon gusto na niya ako at mahal niya ako tama. Kahit na antipatiko at ubod ng yabang at kasupladuhan si Zech alam ko na mahal niya ako.




''Mahal mo ako diba Zech?'' mayamaya ay tanong ni Lory. ''Mahal kita Lory.'' Biglang sagot ni Zech nakaramdam ako ng milyong milyong bakal na hinahampas ang puso ko na walang kamalay malay.



Ayun na nasagot na ni Zech ang kasagutan para magpira piraso ang puso ko. Bakit hindi ko napansin na simula palang ay kasinungalingan na ang lahat? Ganoon ba ako katangan para hindi mamalayan ang ganoong klasing pamamaraan ni Zech?



Wala na akong mukhang mahihaharap pa siguradong pinagtatawanan na ako ng lahat. Pumasok na ako sa bahay ni Dalton dahil doon ang palabas ng main gate nakita ko nan aka tingin ang mga tao saakin sino nga ba ang hindi mapapatingin saakin para akong dinaanan ng bagyo sa mukha ko.



Lesson Learned wag maglalagay ng eyeliner sa mata tapos bigla bigla na lang iiyak dahil hindi ka lang basta mag mumukhang tanga at kawawa. Para sa pag ibig kahit na alam mong pinagmumukha ka ng tanga mahal mo pa kahit na kawawa kana.



Nagmamadaling lumabas na ako sa gate at agad na nakakita ng taxi lahat na lang ata ng kamalasan hawak ko na ngayon. Sana simula palang umiwas na ako dahil kung saan pa umabot ang lahat bakit ba kasi nagiging tanga ang mga tao kapag nagmamahal!

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon