Cath's POV
''Anong tinitingin tingin mo?'' asar na tanong ko kay Zech. Kanina n'ya pa kasi ako tinitignan ng parang may ginawa akong hindi maganda. Well baka dahil nung sinukaan mo s'ya. Pero 'di ko na kasalanan 'yon sadyang nasuka lang ako no hard feelings.
''Nothing.'' Sagot ni Zech habang hindi inaalis ang mga tingin sa akin. ''By the way nasabi ko na ba na maganda ka?'' biglang tanong saakin ni Zech. ''May kasalanan kaba saakin kaya bumabanat ka?'' tanong ko naman pabalik sa kanya.
''Well.'' Sabi ni Zech at tumayo sa harap ko habang ako naman ay naka sandal sa may pader habang naka upo sa kama. ''I just want to say sorry. Alam ko na naiinis ka dahil sinabihan kitang mataba na hindi naman talaga kita sinabihan.'' Sabi ni Zech.
''Ang labo mo sinabihan mo ako ng mataba tapos hindi mo naman ako talaga sinabihan? Sinong niloko?'' salubong ang kilay na tanong ko lalapit sana saakin si Zech pero tinaas ko ang paa ko at pinigilan siya sa tyan n'ya gamit ang mga paa ko.
''Wag kang lalapit saakin! Beast mode ako!'' masama ang tingin na sabi ko sa kanya. ''Kahit naman na tumaba kapa Catherine gusto kong malaman mo na mamahalin at mamahalin pa 'rin kita kahit anong mangyari.'' Paliwanag ni Zech saakin.
''So mataba nga ako?''
''No.''
''Kakasabi mo lang na mataba ako. Lokohin mo ang loleng mo!''
''Matagal ng patay ang loleng ko.''
''Wag ka ngang pilosopo!''
''Bati na kasi tayo.''
''Ayoko nga galit pa ako sa'yo.''
''Then anong gusto mong gawin ko para magbati na tayo?'' tanong ni Zech agad naman akong nag isip ng magandang gawin niya napatingin ako sa may halaman na nasa gilid ng bintana sa kuwarto agad sumilay ang matamis na ngiti ko at humarap kay Zech.
BINABASA MO ANG
TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED) WATTYS 2016
RomanceThe Bachelor Series #4 : Zech Sky Gomez. THE WATTYS 2016 award for ''Voracious Reads"