Kabanata : 27

23.8K 417 7
                                    

Cath's POV


Bago ako matulog kagabi nag pasya ako na uuwi na bukas luluhod na lang ako sa harap ng pusong bato kong Boss kaysa naman mag stay dito at baka atakihin pa ako sa puso dahil sa sobrang sakit na mararamdaman ko.





Kaya maaga akong gumising at agad na inayos ang gamit ko. ''Saan ka pupunta?'' napatigil ako sa pag aayos ng gamit ng marinig ko ang isang boses na kahit na pitong taon na ang nakakalipas ay alam ko na kung sino.




''Aalis na bakit Lory?'' walang emosyon na tanong ko at agad ng nagpatuloy sa paayos ng gamit ko. ''Hindi ko akalain na magkikita pa tayo after 7 years Cath. Plus kasama mo pa si Zech katulad ng old days.'' Maarteng sabi ni Lory hindi ko na pinatulan ang sinabi ni Lory.




''Grabe. You still love Zech haggang ngayon? Oh. Poor you Cath. Alam naman natin dalawa na saakin lang si Zech at ako ang mahal niya right? So tama 'yang choice mo. Mag ayos kana ng gamit then umalis kana ka gaya ng ginawa mong pag alis sa buhay ni Zech noon. And please wag kana talagang magpapakita.'' Sabi ni Lory at sinamahan pa ng tawang pang annabell.





''Oh talaga?'' maarteng sabi ko at agad na lumingon kay Lory. ''Kung mahal mo si Zech at mahal ka niya. Edi mag sama kayo. Bagay nga naman talaga kayo.'' Naka ngiting aso na sabi ko. At mukha naman proud na proud si Lory na marinig 'yon saakin.





''Alam mo Lory. Simula pa naman bagay na bagay na kayo ni Zech. Ewan ko ba bakit bigla na lang ako sumingit sa love story niyo. Ayan tuloy nahihiya ako sa inyo. Pero wag kang mag aalala kasi hindi na tayo magkikita ulit.'' Naka ngiting sabi ko.





''Talagang hindi na tayo magkikita.'' Naka ngising aso na sabi ni Lory tumango naman ako sa sinabi niya para malaman niya na sumasang ayon ako sa kanya.






''Tama hindi na tayo magkikita. Kasi ikaw sa impyerno ka dahil mukha kang demonyo. Habang ako naman ay sa langit dahil isa akong anghel! I have a beauty inside and out! Habang ikaw sa labas lang!'' kung meron man akong natutunan sa 7 years na paglayo ko ay ang pagiging matalas ang dila dahil si Rosercl mahilig makipag basag ulo sa Boss namin kaya alam ko na kung paano makipag basag ulo sa ibang tao.






Nakita ko naman na nagulat si Lory sa sinabi ko. Bago pa ako lumabas ay lumingon ulit ako sa kanya at binigyan siya ng mala Miss Universe ko smile. Sabay sabi ng. ''Bagay nga pala talaga kayo ni Zech dahil parehas kayo sa imyerno pupunta mga manloloko!''

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon