Kabanata : 36

23.2K 379 4
                                    

Cath's POV


Habang busy akong nagkikitulong sa pagluluto sa kusina habang si Zech ay iniwan ko na sa labas bahala s'yang masunog sa sikat ng araw sa labas. Nasa kalagitnaan na ako ng paghihiwa ng marinig ko ang pagsinghap ng mga katulong namin.




Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa paghihiwa ng maramdaman kong may humawak sa bewang ko. Agad kong tinignan kung sino 'yon at nakita ko ang pawis na pawis na mukha ni Zech habang naka tingin saakin.





''Bakit?'' walang emosyon na tanong ko sa kanya nakita ko naman na pout s'ya ng konti gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko sympre kunwari galit ako sa kanya.





Hindi naman s'ya nag salita kaya naman agad ko s'yang itinulak ng hindi kalakasan pero hindi naman s'ya gumalaw sa kinatatayuan n'ya. Nagulat pa ako ng bigla na lang n'yang isandal ang ulo n'ya sa balikat ko. Ginalaw ko naman ang balikat ko para alisin n'ya 'yung ulo n'ya.





''Ang bigat ng ulo mo Zech 'saka ang pawis mo lumayo ka nga.'' Sabi ko pero mas lalo lang isinandal ni Zech ang ulo n'ya.




''Punasin mo pawis ko Catherine.'' Halata sa boses ni Zech na naglalambing s'ya.




''Busy ako.'' mataray na sabi ko.




''Pero ikaw ang dahilan bakit pawis ako ng ganito. Wala kabang konsensya?'' tanong ni Zech saakin na may halong pag aasar tinignan ko naman s'ya ng masama. Mayamaya ay binigay ng matandang katulong ang towel saakin.




''Punasan mo na si Senyorito Zech. Kapag natuyuan ang pawis 'yan ay magkakasakit s'ya.'' Napakamot na lang ako sa ulo at agad na hinila si Zech sa may sala tahimik na pinupunasan ko lang s'ya habang s'ya naman ay tahimik lang na tinitignan ako.




Haggang sa nailang na ako sa pagtingin n'ya saakin. ''Wag mo nga akong tignan Zech.'' Utos ko sa kanya. ''Bakit?'' may halong panunuksong tanong n'ya. ''Baka kasi mainlove ka saakin.'' Asar na sabi ko nakita ko naman na ngumiti s'ya kaya napatigil ako sap ag pupunas n'ya sa mukha n'ya.




''Wag ka 'din ngumiti.'' Asar na sabi ko kay Zech dahilan para mas lalo s'yang ngumiti.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon