Kabanata : 19

25.7K 493 5
                                    

Cath's POV


''Ano?! Ako?!'' sigaw ko at agad na tinuro ang sarili ko tumango naman saakin si Rose. ''Bakit ako ang mag iinterview?'' hindi makapaniwalang tanong ko. Umiling naman si Rosercl. ''Ewan ko siguro dahil tinarayan mo siya kaya ikaw ang gusto niyang mag interview sa kanya.'' Sabi ni Rosercl saakin. ''Gusto mo i-sub na lang kita?'' naka ngiting sabi ni Rosercl saakin.




''Wag na. Baka hindi matuloy ang pag co-cover sa December dahil bigla bigla nalang namin malalaman na ni-rape mo pala si Zech este si Mr. Gomez.'' Sabi ko at agad na kinuha ang hand bag ko. ''Ano daw oras ang interview?'' tanong ko kay Rosercl.



''Seven daw ata?'' hindi siguradong sagot ni Rose. ''Ang weird. Seven pm. Ka pinapapunta doon tapos sa bahay pa niya. Don't tell me. Oh my gosh!'' mayamaya ay sigaw ni Rosercl saakin at hinawakan ako ng mahigpit sa makabilang balikat.




''Tatandaan mo Catherine kahit gaano pa ka-hot si Mr. Gomez wag na wag mong isusuko ang bataan! Okay ba? Lalo na at malamig ngayon!'' sabi ni Rosercl saakin agad ko naman pinitik ang noo niya at lumayo sa kanya.




''Anong isusuko naman ang bataan? Baka busy lang siya kaya ganoong oras ako pinapapunta ano kaba. 'Saka kanina pa 'yan ulan sa labas. May dala kabang payong niya hindi mo ako makakasabay na uuwi.'' Sabi ko kay Rosercl.




''Wala akong dalang payong sasakay na lang ako ng jeep mahal masyado ang taxi. 'Saka gusto ko lang naman na mag ingat ka masama ba 'yon?'' naka ngusong sabi ni Rosercl at agad na pumunta sa may working table niya para ayusin ang mga gamit niya.




''Sumabay kana lang kaya kay Zelina.'' Suhestiyon ko bago lumabas ng Department office namin nakita ko naman nag kamot ng ulo si Rose. ''Wala na si Zel kanina pa umalis kasama ang asawa niya. Mag o-overtime muna siguro ako patitigilin ko muna ang ulan tapos kapag hindi pa lumayas sasakay na ako ng jeep.'' Sabi ni Rosercl tumango naman ako.




''Mag ingat ka ah?'' paalam ko. ''Oo keribells ko 'to Ano ba teh! Oh siya gorabells na anong oras na traffic pa niya kapag nag punta ka sa bahay ni Mr. Gomez!'' nag okay sign at flying kiss muna ako kay Rose bago tuluyang lumabas.




Sakto namang pag daan ng boss namin na mukhang kagagaling lang sa last meeting nito base na 'rin sa sobrang formal ng suot madalas kasing haggang siko ang working suit nito lalo na kapag walang importanteng lakad pero ngayon nakababa ito.




Nakita ko naman si Manong Janitor na sinasara ang ibang ilaw ng ibang Department Office agad ko na itong nilapitan. ''Manong 'yung pong sa Editor Department Office wag niyo pong basta bastang isasara ang ilaw baka tumili po si Rose don matatakutin pa naman ang bruhang 'yon.'' Sabi ko kay Manong nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Sir Maximillo sa harapan ko.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon