Kabanata : 15

26.8K 428 9
                                    

Cath's POV


Dumating na ang araw ng sabado kung Kaylan ang birthday ni Dalton napatingin ako sa may orasan na nakadikit sa pader at malapit ng mag 6 pm sakto at nakaayos na ako. Agad na akong bumaba at nagmamadaling lumabas ng bahay ng biglang may tumawag saakin.




''Catherine.'' Agad naman akong lumingon at nakita ko si Zech na nakabihis na din ng pormal tulad ko palihim na napangisi ako. 'Akala ko ba hindi pupunta ang isang 'to? Mas bonga pa ang suot niya kaysa saakin na pupunta eh.




''Akala ko ba busy ka?'' tanong ko kay Zech pero kibit-balikat lang ang sinagot niya saakin at pinagbukas niya na ako ng pintuan ang sasakyan agad naman akong pumasok at mayamaya binuhay na ni Zech ang makina ng sasakyan at nagmaneho na papunta sa bahay ni Dalton.





''I'm sorry about last time Catherine nagselos lang ako kay Dalton at akala ko balak ka niyang agawin saakin ng hilain ka niya para mag usap kayo.'' Biglang sabi ni Zech ng buksan ko na ang pintuan ang kotse niya para bumaba agad naman akong lumingon sa kanya at kinulong sa palad ko ang mukha niya.





''Sus. Wala ka naman dapat ipagselos kay Dalton ano kaba mas gwapo ka sa kanya at mas mahal kita noh! Kahit na topakin ka at moody! 'Saka alam din naman ni Dalton nag tayo hindi manhid ang isang 'yon hindi tulad mo!'' pang aasar ko kay Zech at sumimangot naman ang baliw na masungit na 'to.






''Fine. Basta ako lang ah?'' sabi ni Zech na parang bata hinalikan ko naman siya sa ilong ng mabilis. ''Opo Sir!'' sabi ko at agad na akong bumaba sumunod naman saakin si Zech habang papasok kami sa bahay ni Dalton ay ang dami palang mga bisita nito nahihiyang yumuko na lang ako para hindi ako bagay sa lugar na sobrang elegante ang dating.




Naramdaman ko naman na hinawakan ni Zech ang bewang ko agad na tumingin ako sa kanya at nakangiti siya saakin. ''Naiilang kaba? Wag kang mailang kasama mo naman ako.'' Kung sa ibang sitwasyon sana 'to siguro ay tumatalon na ako sa sobrang kilig dahil kay Zech pero iba kasi 'to eh. Ngumiti na lang ako kay Zech dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko or isasagot sa sinabi niya.






Habang nagaganap ang kasiyahan ay kumakain lang kami ni Zech sa isang sulok ng table may lumalapit sa kanya pero hindi siya umaalis sa lugar niya sa tabi ko dahil ayaw daw niya akong mailang dito at the same time ayaw din niya akong iwanan mag isa.





TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon