Zech's POV
''You kiss My Dad. What a gold digger so balak mo talagang gawing sugar daddy ang Dad ko?'' galit na tanong ko kay Cath nahuli ko sila ng dad ko na hinalikan niya ito sa pisngi at yinakap pa. ''Masama na ba ang ikiss si Tito Leonardo?'' tanong niya saakin.
''Oo. Lalo na at ang habol mo lang ay ang pera ng Dad ko.'' Agad kong isinandal si Cath sa pader. No wonder at magaling itong magpaikot ng lalaki. Madali nitong magagawa 'yon. Dahil maganda ito kahit na hindi ko aminin. Pero hindi ako makakapayag na gawing bangko nito ang Dad ko.
''Hindi ko habol ang pera ni Tito Leonardo!'' sigaw ni Cath saakin nakita ko naman na may tumulong luha sa mata niya. ''Nice magkakaroon ka ng award magsusumbong ka niya right?'' sabi ko nakita ko naman na sumama ang tingin niya saakin.
''Oo magsusumbong ako! Dahil ang sama sama mo!'' Sigaw niya at nagmamadaling umalis. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Gagawin ko ang lahat para mapalayo si Cath sa Dad ko hindi puwedeng mapa-ikot nito ang Dad ko.
''Zech hijo. Puwede ba kitang makausap.'' Nag angat ako ng tingin sa Dad ko at tumango pumasok kami agad sa library niya at alam ko na ang sasabihin nito.
''Nag sumbong saakin si Cath about sa ginawa mo kanina sa kanya.'' Palihim na napa-iling na lang ako. Magaling talaga ang isang 'yon. ''Habol lang niya ang pera mo Dad.'' Sabi ko agad namang umiling ang Dad ko.
''No Hijo. Hindi ang pera ko ang habol niya. Wala siyang habol sa pamamahay natin ok? You should be nice to her.'' Masyadong mabait ang dad ko at mukhang walang napapansin sa paligid nito kundi mabait ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya na walang mananakit sa kanya.
''I know na akala mo hindi ko napapansin ang mga nasa paligid ko hijo. Pero Zech napapansin ko na nagsusungit ka kay Cath. At hindi mo dapat gawin 'yon parang anak na 'rin ang turing ko sa kanya.'' Sabi ni Dad tumango na lang ako.
''And I think bagay kayong dalawa.'' Sabi ni Dad bahagyang natawa ako dahil sa sinabi niya. ''Hindi ko gustong maging babae ang isang tulad niya Dad. So Back off.'' Sabi ko dahilan para matawa siya.
''Ok. If yan ang gusto mo pero kahit Kaylan puwede mong bawiin 'yang sinabi mo.'' Napa-iling na lang ako dahil sa kalokohan ni Dad at mayamaya nagpaalam na. Magaan sa loob na lumabas ako sa library sa hindi ko alam na kadahilanan.
''Siguro dahil alam mo na hindi naman gusto ni Cath ang dad mo.''Hiyaw na isip ko. ''Bakit naman 'yon ang magiging dahilan?'' tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED) WATTYS 2016
RomanceThe Bachelor Series #4 : Zech Sky Gomez. THE WATTYS 2016 award for ''Voracious Reads"