Kabanata : 30

25.9K 403 6
                                    

Cath's POV


''You're Pregnant Mrs. Gomez. Congrats.''



'yun ang pinaka naintidihan ko sa lahat ng sinabi ng Doctor kanina saamin ni Zech naiinis na bumalik ako sa kotse at sinuot ang seatbelt. Sumunod naman si Zech na sumakay at pinagalaw na ang makina ng sasakyan.




Habang nasa biyahe nararamdaman ko na sinu-sulyapan ako ni Zech pero hindi ko pa 'rin siya pinapansin. ''Why are you mad?'' biglang tanong ni Zech sa matagal na katahimikan. ''Galit kaba dahil binuntis kita?'' may halong pakainis sa boses na tanong ni Zech.





''No.'' maikling sagot ko. ''Then anong dahilan bakit galit ka saakin?'' hindi makapaniwalang tanong ni Zech. ''Kasi tinawag ako nung Doctor ng Mrs. Gomez.'' Naiinis na sabi ko at nag ayos ng upo. ''Diba sa buong kasal na nagyari ay para lang sa mana mo. Pero ano 'tong nangyari? Binuntis mo ako. Paano na ang annulment na pinaka kinakaasam ko?'' iba't ibang emosyon na sabi ko kay Zech at ang walang pusong lalaki mukhang chill lang dahil sa nangyari.






''Then mag annulment na tayo.'' Gulat na napatingin ako kay Zech Seryoso ba 'to? ''Kung Kaylan buntis na ako 'saka mo pa naisip 'yan?!'' galit na tanong ko kay Zech. ''Well. Actually.'' Sabi ni Zech at may kinuha sa maliit na drawer ng sasakyan niya na isang brown envelope.






''Nasa akin na ang annulment paper. Just sign it. Then tapos na.Napalitan na 'din naman ang name ng lupa satin.'' Binuksan ko ang brown envelope at tama nga si Zech pero ang kinagulat ko ay 'yung Date kung Kaylan ito na bigay sa kanya.





''Matagal nang na sa'yo 'to?!'' mas lalong nag init ang dugo dahil tumango lang ito na parang maliit na bagay ang sinabi ko. ''T*ngna mo. Bakit hindi mo sinabi saakin 'to?!'' naramdaman ko na parang kumirot ang ulo ko dahil sa kunsomisyon kay Zech.





''Hindi ka naman nagtatanong.'' Agad kong binato sa kanya ang brown envelope dahilan para pumunta sa mukha niya muntik pa nga matamaan ang palipat na aso pero mabilis niyang na itigil ang sasakyan tapos ay itinabi at humarap saakin.






''Hindi talaga namin matukoy kayong mga babae. Gusto mo ng annulment right? Then nasa harap mo na. Pirma mo na lang ang kulang.'' Masungit na sabi ni Zech tinignan ko naman siya ng masama. ''Wag mong isali ang mga kapwa kong kababaihan sa katangaan mo Zech. Kung meron man hindi matukoy dito ay kayong mga Adan!'' naiiritang sabi ko.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon