Kabanata : 20

27.8K 418 2
                                    

Cath's POV


''Anong kalokohan 'to?'' naka kunot noong tanong ko kay Zech. ''I need to marry you Catherine so marry me.'' Sabi ni Zech saakin. ''Okay. Tama na ang kalokohan tumayo kana dyan.'' Sabi ko at bigla kong naalala 'yung camera ko na hindi ko pa pala nakukuha nagmamadaling kinuha ko 'yon.




''Bago mamatay si Dad may last will siya at 'yon ay pakasalan kita kung hindi kita mapapakasalan lahat ng mamanahin ko sa kanya ay mapupunta lang sa isang charity.'' Sabi ni Zech.




''So pumayag ka naman?'' hindi makapaniwalang sabi ko. ''Yeah pumayag ako na pakasalan ka at may share ka 'rin na pamana hindi lang ako ang mawawalan ng pamana kundi pati ikaw.''




''Bakit pati ako dapat may makuhang pamana?'' nalilitong tanong ko. ''Dahil parang anak kana ni Dad at remember bigla kana lang umalis at hindi nagpapaalam sa kanya at wala Kaman iniwang rason para doon? Akala ni Dad kasalanan niya ang lahat kaya pinamanaan ka niya para maka bawi siya sa kasalanan niya noon sa'yo.'' Sagot ni Zech.




''Walang kasalanan si Tito Leonardo hindi na siya dapat mag bayad ng kung ano ano dahil wala naman siyang kasalanan kung gusto mo ang pamana sa'yo na bahala kana doon.'' Sabi ko at agad ng nag punta sa may pintuan.




''Puwede kong bawiin ang pag pirma ko sa Contract na pinirmahan ko. Kung ayaw mong magpakasal saakin.'' Agad naman akong lumingon kay Zech na nakatayo at nakapasok sa magkabilang bulsa ang kamay nito.



''Bina-black mail mo ba ako?'' galit na tanong ko sa kanya. ''Hindi naman kita bina-black mail pero kaya kong pabagsakin ang Company ng Boss mo tapos malalaman nilang lahat na kasalanan mo. Then magagalit silang lahat sa'yo. And again Hindi kita bina-blackmail.'' Ulit ni Zech at ngumiti saakin pero alam ko na sa likod ng ngiting niyang 'yon ay isang malaking ngisi.




''Fine! Pag iisipan ko.'' Sabi ko at nagmamadaling lumabas nag pasalamat pa ako dahil hindi na umuulan. Bago pa ako umalis ay tinignan ko ulit 'yung gate. ''Hindi daw bina-block mail?! Pero kung makapag salita! Hayys!'' inis na sabi ko at padabog na umalis.



Nang makarating na ako nakita ko si Rosercl na kumakain ng maraming chocolates. ''Oh! Akala ko hindi ka uuwi?'' nagtatakang sabi ni Rose saakin. ''Ano namang hindi uuwi? Baliw. Uuwi ako sympre.'' Sabi ko kay Rose at pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko.



Habang nag papalit ako ng damit ay napatili ako dahil biglang pumasok si Rose at umupo sa kama ko na parang wala lang sa kanya na nagdadamit ako. ''Hoy! Uso kumatok!'' sabi ko. ''Kumatok ako limang beses!'' sabi ni Rosercl at tinaas pa ang kamay na parang nanunumpa pero pinapakita lang ang kanyang limang daliri.




''Bakit hindi ko narinig?'' nagtatakang tanong ko. ''Naka mute siguro ang pintuan mo!'' natatawang sabi ni Rose agad ko naman siyang binatukan. ''Baliw uso ba ang mute sa pintuan?''



''Oo naman parang 'yung mahal ko naka mute biruin mo 'yon hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya.'' Hugot ni Rose. ''Baliw. Nararamdaman naman ni Jason 'yan.'' Sabi ko nakita ko naman na nagliwanag ang mga mata ni Rosercl.



''Talaga?'' tumango naman ako. ''Nga pala. Kamusta 'yung pag iinterview mo kay Fafa Zech? Sinungitan ka din niya ba?'' biglang naman akong napa simangot sa sinabi ni Rose saakin. ''Hindi niya ako sinungitan bina-blackmail. Niya ako.'' Sagot ko nagtataka naman akong tinignan ni Rose kaya naman kinuwento ko ang lahat sa kanya.




''Ohmyghad!'' sigaw ni Rose at niyugyuog ang balikat ko. ''Bakit hindi kana lang pumayag pang mag pakasal?'' sabi ni Rose saakin agad naman akong umiling. ''Hindi puwede kasal ang topic dito ngayon! Ano kaba Rose!'' nakita ko naman na ngumuso si Rose saakin.




''Ang pag papakasal para lang sa dalawang nagmamahalan.'' Sabi ko. ''Anong para sa nagmamahalan lang? Edi sana hindi uso ang annulment ngayon Cath?'' sarkatikong sabi ni Rose saakin bigla naman akong napa-isip sa sinabi niya.




''Saka ikaw na ang nagsabi saakin. Na may mana ka tapos ewan mo bakit nagkaroon ka hindi mo naman sila kadugo dahil may pinupunto si Tito Leonardo.'' Nag salubong naman ang kilay ko. ''Ano naman pinupunto niya?'' nagtatakang tanong ko.




''Galit ka kay Zech at Galit sa'yo si Zech meaning inaayos niya ang gulo at malay nyo kayo pa sa bandang huli. Oh diba! Ang sweet non?'' naka ngiti sabi ni Rose napa isip naman ako ng malalim. Bakit naman kaylangan gawin ni Tito Leonardo 'yon? Alam niya ba naging kami ni Zech?





''Saka bakit hindi ka pumayag? Isipin mo parang isang business deal lang 'yan! Papayag ka na magpakasal sa kanya tapos mag hiwalay na lang kayo ng maaga. Madali lang naman mag pa-annulment ngayon.''




''Oo nga noh? Bakit hindi ko na isip 'yon?'' nagtatakang sabi ko. ''Tanga ka kasi eh!'' sabi ni Rose at binatukan ako. ''Ganon? Nag salita ang hindi tanga!'' sabi ko at babatukan ko na sana si Rose ng bigla siyang tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto ko.




''Sige tumakbo ka lang bruha wala kang ulam mamaya!'' sigaw ko kay Rose. ''Kumain na ako! Mag pahinga kana lang!'' sigaw pabalik ni Rose pagkatapos ay nakarinig ako ng mahinang pag sara ng pinto siguro ay pumasok na siya sa kuawrto para mag pahinga.




At ganoon na din ang gagawin ko humiga na ako at naramdaman ko ang pagod ng katawan ko. Ang dami talagang nangyayari kahit sa loob lang ng isang araw. Pero bago ako matulog sisiguraduhin ko na bukas ay kakausapin ko si Zech tungkol sa alok niya saakin.




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT AND FOLLOW ME. THANK YOU AND GODBLESS!



TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon