Cath's POV
Tahimik na nagbabasa ako ng libro sa may upuan sa bakuran naka earphone pa ako habang feel na feel ang katahimikan ng may biglang nagtanggal ng isa kong earphone. ''Kanina pa kita tinatawag.'' Masungit na sabi ni Zech saakin.
Agad ko naman tinuro ang sarili ko. ''Ako?'' paniniguro ko. ''Hindi siya ang tawag ko.'' Pamimilosopo ni Zech at tinuro ang paso na nasa gilid namin na may malalagong halaman sa loob. ''Oh siya pala ang tawag—'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya ako hinila patayo.
''Ikaw ang tinatawag ko. Inuutusan kita na gawan ako ng makakain. Stupid!'' agad ng umupo si Zech sa inuupuan ko kanina nanglalaki ang mga mata na pinakatignan ko siya. ''Excuse me!'' may halong kaartehan na boses na sabi ko at nakapamewang sa harap niya.
''Hindi ako Maid! Kaya kung gusto mo ng makakain Prinsepe ay tumayo ka dyan puwede ba?!'' inis na tinignan ko si Zech dahil katulad ng ginagawa nito naka upo ito ng naka pikit na parang sobrang pagod ito at inaantok padabog na umalis na lang ako pero ng papasok na ako bigla naman siyang nagsalita.
''Saan ka nagpunta kanina?'' masungit na tanong niya saakin agad ko naman siyang nilingon at sumandal ako sa gilid ng pintuan. ''Wala kana doon! Wala ka naman pakialam kahit saan ako pumunta!'' inis na sabi ko at naglakad na sa kuwarto ko na lang ako mag-aaliwaliw. Panira talaga si Zech!
Nang oras na para sa hapunan ay lumabas na ako. Nakita ko naman na naka-upo na si Tito Leonardo agad naman akong lumapit sa kanya at hinagkan siya sa pisingi. ''Magandang gabi ho Tito.'' Bati ko at agad ng umupo sa gilid niya.
'' 'Yan ba ang binili niyong damit kanina?'' tukoy ni Tito Leonardo sa suot ko agad naman akong ngumiti at tumango sa kanya. '' Opo Tito. Bagay po ba saakin?'' tanong ko sa kanya agad naman siyang tumango. ''Sa gandang babae mo ba naman siguradong lahat ng damit babagay sayo.'' Sagot ni Tito Leonardo.
''Naku. Tito kanino niyo po natutunan ang pagiging bolero?'' sabay naman kaming nagtawanan ni Tito Leonardo at sakto naman na pagpasok ni Zech palihim na sumimangot na lang ako. Dahil sa kanya ay sa kuwarto lang ang buong araw.
''Zech hijo halikana at kumain na tayo.'' Sabi ni Tito Leonardo agad naman umupo si Zech sa harap ko kaya magkatapat kami. Sumulyap ako kay Zech at muntik ko na akong masuka ang panget niya kasi. ''Pero sinong niloko mo Cath ah? Ang gwapokaya ng nilalang na nasa harapan mo ngayon.'' Hiyaw ng isip ko.
''Gwapo nga antipatiko naman wala 'rin kuwenta.'' Sabi ko agad naman akong napasulyap ako kay Zech at busy lang siya sa pagkain niya. ''Bakit ko ba sinusulyap ang isang 'to? Baka hindi ako matunawan.'' Natatawa naman ako dahil sa kalokohan na pumasok sa utak ko at ng tumingin ulit ako kay Zech at agad na naka salubong ang kilay nito pasimpleng sumubo ako ng marami pero wrong move napaka bilis ng karma agad akong nabilaukan nagmamadaling binigyan ako ni Tito Leonardo ng tubig.
''Stupid.'' Narinig ko sabi ni Zech at agad na itong tumayo nagpaalam na tapos na daw kumain. Bago siya umalis binigyan niya pa ako ng mukha na parang sinasabing napaka istupida ko. Hindi ko naman kasalanan 'yon! Nakaka distract naman kasi ang kapangitan nito!
''Hija mag-iingat kapag kumakain. Mukhang lumilipad ang isip mo kanina.'' Sabi ni Tito Leonardo napakamot naman ako sa ulo ko. ''Opo Tito. Sa totoo lang 'yan po kasing anak niyo sobrang sungit ganya ako tignan!'' pagsusumbong ko pero tumawa lang si Tito Leonardo sa sinabi ko. Mukhang sanay na 'to sa kasungitan ng anak niya.
Nang matapos kumain ay tahimik na nasa kuwarto lang ako habang nagbabasa ng libro na curious ako bigla dahil gabi na gusto kong malaman kung anong mangyayari kapag binuksan ko 'yung bintana kasi napaka silaw ng buwan sa labas.
Agad akong lumapit sa bintana at namamanghang tinignan ang madilim na kalangitan puno ng mga maliliwanag na bituin. Masayang pinagmamasdan ko ang mga 'yon ng biglang may magsalita. ''Mukha kang isip bata.'' Nanglalaki ang mga mata na tumingin ako sa gilid at nakita ko si Zech na nakatingin sa direksyon ko.
''Katabi pala kita ng kuwarto?'' nagtatakang tanong ko habang hindi ako nakatingin sa kanya. ''Yeah.'' Tipid naman na sagot ni Zech saakin agad naman akong tumingin sa kanya at yinakap ang sarili ko nakita kong nagtaka ito sa ginawa ko.
''Katabi pala kita kaya pala kinikilabutan ako kapag natutulog kasi may masamang antipatiko at masungit akong katabi na kuwarto. Grabe..Hindi kaba kinukilabutan ah?'' sarakatikong tanong ko sa kanya nakita ko naman na mas lalong naging masungit ang mukha niya.
''What?'' masungit na tanong niya saakin. ''Sabi ko ang pangit mo!'' naka ngising sabi ko at agad na nag tongue out nagmamadali akong pumunta sa may pintuan ng kuwarto ko at agad na nilock 'yon sakto naman na pagkatok ng malakas at alam kong si Zech 'yon.
''Hay! Nakakantok talaga ngayong araw na 'to matutulog na ako!'' malakas na sigaw ko para marinig ni Zech na nasa labas narinig ko naman ang malakas na pagtawag niya sa pangalan ko. Kaya agad kong binuksan ang pintuan ng konti at nilabas ko ang ulo ko.
''Yes?'' pacute na tanong ko sa kanya nakita kong inis na inis siya. ''You stupid son of—'' hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya at agad na akong sumingit.
''Napaka ganda ng gabi. Good night bye!'' sabi ko at agad na sinarado ng malakas ang pinto. Narinig ko naman na malakas na pagmumura ni Zech dahilan para matawa ako. Minsan pala nakakaaliw din inisin ang isang 'yon.
Agad na tinignan ko ang kama ko na parang hinihila na ako ng antok agad na tumalon ako at yinakap ang unan ko sabay pikit na pero biglang parang nakita ko ang pamumukha ni Zech sa isip ko iiling iling pa ako para mabura siya sa isip ko. ''Baka bangungutin ako nito.'' Natatawang sabi ko bago hilain ng antok.
-Rosercl
DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS!
BINABASA MO ANG
TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED) WATTYS 2016
RomanceThe Bachelor Series #4 : Zech Sky Gomez. THE WATTYS 2016 award for ''Voracious Reads"