[32] Know your place

491 20 0
                                    

                                       🌟Chapter [32] Know your place🌟

Nilagyan ko ng ekis ang puting white board na ginawa ko. Day 15 na pala ko siyang kasama sa bahay pero ganoon parin naman ang routine naming dalawa. Hanggang ngayon nga, hindi ko siya kinakausap at pinapansin dahil nasayang ang effort ko!

Oo, kahit anong bawas sa niluto kong paborito niya daw. Walang kabawas bawas hindi ko nga alam kung binigyan niya 'yong pansin o hindi eh. Tsk! Bat ko ba iniisip yon? Dapat, wala akong pakielam sa kanya. "Aalis ako, sara mo yung pinto." Malamig na turan ko at dire-diretso akong lumabas ng bahay.

Inis naman akong humarap sa likod ko ng hindi ko marinig ang tunog ng pag-sara ng pinto. Inis na lamang akong nag-lakad muli. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit araw-araw nasanay na akong sumakay ng Taxi. Hindi ko rin naman ma-contact ang driver ko dahil ang cellphone ko hindi ko na nakita. Ayokong bumili ng bago dahil nandoon ang mga magagandang alaala na mayroon ako sa buong buhay ko.

Papunta ako ngayonsa Mega Mall, gusto ko lang kasi aliwin ang sarili ko. Nag-chat ako sa kapatid ko at sa kaibigan ko kanina gamit ang Laptop ko, pero sabi nila hindi daw nila ako masasamahan dahil may importante daw silang ginagawa. Well.. Sanay naman akong mag-isa kaya naman kaya ko na 'to.

Naka suot ako ng mask na itim at nag-shades ako. Alam ko naman kasi na kalat na yung balitang kinasal na kami. Media nga naman oo, mayroon lang mai-balita. Pumasok ako sa Department Store at nag-tingin tingin ako ng gusto kong bilhin. Tsk! Akala ko ba inaasikaso ni William itong Mall na to?! Nung pumunta ako ito parin ang naka stock dito.

Umiling iling na lamang ako. Lumapit naman ako sa mga bags. At buti nalang, marami na silang bago na nilagay dito. Hinawakan ko naman ang handle ng itim na bag, matte kasi ang kulay nito kung kaya't nagustuhan ko agad. Mayroon namang humawak agad sa kamay ko na ikinatingin ko naman. "Miss, kung mayroon kang sakit wag mong hawakan yung bag na yan. Nakakadiri naman oh." Umirap pa siya ng sabihin niya 'yon.

Lumapit naman ang pinaka head nila sa amin at mistulang nagulat ng makita ako. Ibinaba ko naman ang mask na naak takip sa bibig ko. "Excuse me.. What did you say again?" Mataray kong tanong. She gave me a bored look. "Nakakadiri ka!" Singhal niya.

Ibinalik ko naman ang bag kung nasaan ko kinuha ito. "Fire her." Malamig na utos ko sa pinaka head nila, nakita ko naman kung paanong magulat ang babae. Hindi ko na lamang yon pinansin pa. She ruined my day! Ibinalik ko na lamang ang mask ko sa pagkakatakip ng bibig ko. Bat nga ba kasi ako nakaganito pa? Pamilya naman namin ang nagmamay ari nitong Mall na kinatatayuan ko.

Inalis ko naman narin agad yon. Hindi na lamang ako mag-sasalita kapag dinumog ako ng mga tao dito. Pumunta naman ako sa Ladies Shoes at nag-bow naman agad ang mga naka tayo roon. "Good Afternoon, Ma'am." Bati sa akin ng babae. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanya.

Isa isa ko naman tinitingnan yung mga sapatos na bagong stock rin ang naka-lagay dito. Pero may isang naka kuha ng atensyon ko.

Color pink siya.. I mean baby pink. High heels, and it's look so elegant kapag sinuot mo. Kukuhanin ko na dapat pero nahawak ko ang takong siya naman ay ang dulo. Sabay naman kaming nag-katinginan doon.

Gumuhit naman sa mukha niya ang pagka-gulat. Maski ako rin, hindi ko naman inasahan na mag-kikita kaming muli. Ang huli namin kasing kita at pag-uusap ay yoong nasa dalampasigan kami at nag-uusap kami.

Awkward smile..

"Micah.."

"Jessica.."

"You like it? Fine, go ahead." Ngumiti siya at binitawan niya ang sapatos. "H-hindi naman ikaw ang nau--" "Nope, sabay nating nahawakan." Putol niya sa sasabihin ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon