[35] She's MINE

635 27 4
                                    

                                                 🌟Chapter [35] She's MINE🌟

"Bakit?" Tanong ko ng tumingin siya sa akin pagka-sakay ko. Hindi niya ako pinansin iniwas niya lang niya ang tingin niya sa akin kanina pagkatapos nag-simula na siyang mag-drive. Tahimik lang ang buong byahe, pero hindi kilalaunan. Huminto kami sa may isang flower shop. Sinundan ko siya ng tingin ng bumaba siya. At saan naman siya pupunta? Iiwan nanaman ako dito?! Ugh.

Tumingin na lamang ako sa harapan ko. Mag-hihintay nalang ako dito. Pero habang naka upo ako dito tumingin ako sa bintana na nasa tabi ko. Kumakatok siya at sumenyas na bumaba ako. Kumunot naman ang noo ko pero bumaba nalang din ako. Pagka-baba ko naman hinila niya agad ako papasok sa Flower Shop. "Good Afternoon, Mr. Wu! Nasaan si San-- Oh Sorry." Sabi ng isang baklang? Sumalubong sa amin pagkapasok namin. "Para kay Madam Wu ba?" Naka ngiti niyang sabi. It seems na kilalang kilala ang Lola ni Kris huh. Hindi naman nag-salita si Kris tumango na lamang ito.

Pinag-mamasdan ko naman ang mga ibang gumagawa. Marami kasi daw nagpapagawa ngayon dahil nalalapit na daw yung pasko. Tumunog ang pinto at lumingon naman ako doon, tatlong lalaki naman ang pumasok. Ngumiti sa akin ang isa. Umiwas nalang ako ng tingin, wala naman kasi si Kris sa tabi ko. Naroon ata sa sulok. Ewan ko don.

Naramdaman kong nasa likuran ko ang isa kung kaya't umalis naman ako sa pwesto ko kanina. Parang pakiramdam ko.. Ugh. Wala. Nasaan na ba kasi ang lalaking yon?! "Miss." Narinig kong sabi niya pero hindi ko sila nilingon, Hindi ko naman sila kilala eh. Nararamdaman ko na talaga pero hindi lang ako maka-galaw. Nararamdaman ko ng may hahawak na isa sa akin. Lord, please. Help me on this. Asan na ba kasi yung lalaki na yon?! Iniwan nanaman ako.

Hihiyaw na dapat ako ng mayroong humapit sa beywang ko papunta sa kanya. Pero ng makilala ko naman yung pabango niya. Nawala yung kaba ko kaninang ako lang mag-isa. Dahan dahan ko namang tiningnan ang mukha niya, nakita kong masama ang tingin niya sa mga lalaking nasa gilid ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya ng alisin niya narin ang tingin niya sa mga lalaking yon. "Here.." Bulong niya at ipinunta niya ako sa harap niya. "What are you doing?" Bulong kong tanong sa kanya. Paano ba naman kasi?! Naka-yakap na siya sa akin.

Hindi ko narinig ang sagot niya. Ilang sandali pa, humawak siya sa kamay ko at kinuha na ang pinaayos niyang bulaklak at pagkatapos non kinuha niya na. Napa tingin naman ako sa tatlong lalaki na nasa harapan pa rin namin. Umakbay siya bigla siya sa akin na ikina-gulat ko. Sinilip ko siya na naka tingin pala sa tatlo.

"She's married, Keep that in mind." Malamig na turan niya at lumabas na kami ng Flower shop at sumakay na kami sasakyan. Nilagay niya sa passenger seat ang dalawang bouquet ng flowers. At sumakay na rin siya sa Driver seat at sinimulan ng mag-drive.

Sandali ko siyang tiningnan ng maalala ko kung ano yung sinabi at ginawa niya kanina. Wala lang yon, Jessica. Wala lang. Hinawi ko na lamang ang buhok na tumabing sa mukha ko. "Wear a long dress next time not that fckng short dress." Gulat akong napa-lingon sa kanya. "Nag-mamadali ka diba?! O'de sinuot ko na to!" Inis na sagot ko.

"Whatever! Sandy never wear dress like that." Sabi niya habang malapit na kami sa bahay ng Lola niya. To be honest i hate being compared to anyone! I really hate it. Morgan never do that to me. "Don't you ever dare compare me to anyone!" Sigaw ko.

"Hindi ako si Sandy, ganito ako. Ganito akong manamit. I will wear what i want!" Sabi ko. "I'm not comparing her to you. She's different not like you." Sabi niya at ipinark na ang sasakyan dito sa labas ng gate ng bahay ng Lola niya pagkatapos ay bumaba na. Inis na lamang akong bumaba at nagpatiuna sa loob.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon