[3] Charity Event

893 27 1
                                    

                                           🌟Chapter [3] Charity Event🌟

Tahimik at naka tingin lamang ako sa nadaraanan namin, katabi ko si Nicole na nakasandal sa balikat ko. Parehas kaming nag i-earphone. Gamit ang iPad ko siya lang ang namimili ng kanta hinahayaan ko lang siya kung ano ang gusto niyang music. Basta ako tahimik lang.

"Jess.. you want?" Napa lingon ako sa nag salita. Ito nanaman siya.. ito nanaman ang boses niyang mala anghel. Umiling nalang ako at nginitian siya. "No Thanks." Sagot ko. Tumango na lamang siya sa akin.

Hindi lang siya maganda, Mabait pa siya. Maalaga. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa mga nadaraanan namin. Ilang sandali pa naka rating narin kami sa pupuntahan namin. Mas naunang bumaba si Nicole kasunod ako.

Inayos ko naman ang nagusot ko tshirt kukuhanin ko na sana ang mga materials na nasa likod ng van. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ngayon.

Parang huminto sa pag ikot ang mundo parang nabibingi ako ng makita kong tinutulungan niya ang girlfriend niya. "Excuse me po." May nag sasalita pero hindi ko iyon pinapansin, hanggang sa pagharap ko sa kanya. May isang mabigat na bagay ang tumama sa gilid ng kilay ko. Ramdam ko naman kaagad ang malapot na likido na tumutulo sa gilid ng mata ko.

"Jess ano ka naman ba. Mag iingat ka nga!" Nag aaalalang sabi ni Nicole sa akin. "Oh my God." Napa lingon ako kay Micah. Saktong pag lingon ko ay naka tingin rin sa akin si Morgan.

May kinuha naman siya mulsa sa bulsa niya at lumapit kaagad sa akin. "The blood." Sabi niya habang dahan dahan dinampi ang puting panyo sa gilid ng kilay ko. Sunod sunod kong naramdaman ang pag patak ng mga likido sa pisngi ko.

Sht. Bakit ako umiiyak sa harapan niya? Tanga! Tanga! "Masakit ba?" Tanong nito sa akin. "Ang sakit.. sobrang sakit." Sagot ko.

Ewan ko, Hindi ko alam kung bakit ko iyon  nasabi sa kanya. Naka tingin lamang ako sa mga mata niya. "Is she okay?" Lumapit si Micah sa amin.

Napa tingin kaagad ako sa kanya at dahan dahan lumayo. Humawak na lamang ako sa braso ni Nicole upang hindi ako matumba. "Ako nalang bahala sa kanya." Sabi ni Nicole at nag simula na kaming mag lakad. Hindi pa naman rin kami nakakalayo napa hinto kaagad kami. "J-jess." Napa lingon ako sa kanya. Saktong pag tingin ko rin kay Micah dahan dahan lamang itong ngumiti sa akin. "You can use this." Sabi nito at iniabot sa akin ang panyo.

Umiling na lamang ako sa kanya, "Ayos na." Sabi ko. Tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad. Hinawakan na lamang ako sa braso at balikat ni Nicole. Sabay kaming nag lalakad papunta sa pinaka gym. Pagkarating naming roon ay umupo kaagad ako sa upuan at doon ko iniyak ang lahat.

"Masakit ba talaga?" Tanong nito sa akin habang naka takip ang mga kamay ko sa bibig ko. Sunod sunod akong tumango. Nakita ko siyang kinuha na ang first aid kit at kumuha ng isang silya sa tabi ko at umupo doon. "Patingin nga." Sabi niya. Ipinakita ko naman kaagad sa kanya.

"Sus. Hindi naman masyadong malalim eh, Alin ba talaga masakit? Puso mo? O iyang sugat mo?" Tanong niya. Inis naman akong lumingon sa kanya at pinunasan ang luha ko. "Shut up!" Medyo tumaas na ang boses ko. Hindi nalang niya iyon pinansin pa. Ginamot naman narin niya ang sugat na nasa gilid ng kilay ko. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang bottle ng mineral water.

Maya-maya pa nag puntahan na dito ang mga batang kailangan naming turuan kung paanong mag sulat, bumasa at maging malinis sa katawan. Ipinusod ko na muna ang buhok ko para hindi masyadong maiinit.

"Hi Kids kamusta kayo?!" Masiglang pag bati ko sa kanila. Ugh, Ito yung pinaka ayaw ko sa lahat ang gawin ang hindi ko naman nakasanayan gawin. Bakit kasi ako pa yung ginawang president. Pressure lang.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon