[50] Letter K & J

512 25 0
                                    

🌟Chapter [50] Letter K & J🌟

"Okay, pose." Utos ng isang sikat na photographer sa dalagang si Micah, sinunod naman niya rin agad 'yon. Nag pphotoshoot siya kasi sa isang Elle Magazine na April Issue. Lahat ng tungkol sa kanya ay malalaman dito. "Okay. Retouch." Sabi ng Photographer at nag tungo sa isang sulok upang uminom ng kape niya.

Samantala naman si Micah ay umalis muna sa pwesto niya. Pupunta na dapat siya sa Dressing room pero merong lumapit sa kanya. "Ma'am excuse me po. Meron pong gustong kumausap sa inyo." Sabi ng babae.

Tinignan naman agad siya ni Micah. "Tell him or her that i'm busy right now." Sagot nito at tumuloy paalis papunta sa Dressing Room niya. "Jessica Jung daw po." Pahabol ng Babae kung kaya't natigil siya sa pag-lalakad.

Dahan dahan siyang lumingon sa babae. "Where is she?" Tanong agad ni Micah. Humugot agad siya ng malalim na hininga, marahil siguro'y hindi niya parin nakakalimutan ang huling usap nila ni Jessica noon sa Mall. Noong nagkasabay sila ng hawak sa gusto nilang sapatos. "Sa Dressing Room po, Ma'am." Sagot ng Babae.

Sasagot pa dapat siya pero napa lingon na siya sa Photographer na sumenyas na bumalik na siya. Sumunod naman rin agad siya.

Umupo siya sa high chair habang naka dekwatro. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa beywang niya at naka fierce ang mukha. "Focus..." Sabi ng Photographer.

Kung ano anong pose ang ginawa niya. "Okay, Done. Thank you. Micah Ortiz." Naka ngiting sabi ng Photographer at nakipag shake hands sa kanya. "Thank you, Mr. Alfonso." Ngiting pagpapasalamat ni Micah pagkatapos ay tinungo niya na ang Dressing Room niya.

Nakita naman niya ang babaeng tahimik at nag-hihintay sa isang maliit na sofa doon. Lumunok siya at huminga ng malalim saka nag tuloy ng pumasok sa Dressing Room. "Hi." Bati niya sa dalaga. Tumayo naman agad ito sa harap niya.

"Kailangan mo daw akong maka-usap?" Puna niya dito habang inaalis ang earings niya. "Y-yes." Sagot ni Jessica. Tumangi tango pa ito nakita niya ito mula sa reflection ng salamin. "Para sa--"

"Totoo bang naging boyfriend mo si Kris?"

Dahan dahan siyang napa harap kay Jessica na ngayo'y nag-hihintay ng sagot mula sa kanya. Parehas lang naman sila ng nararamdaman, parehas silang kabado. "Totoo bang alam mong ikakasal siya kung kaya't sinuko mo agad siya? Bakit hindi mo siya pinaglaban?" Muling tanong ng Dalaga.

Nag-iwas agad siya ng tingin kay Jessica. "Micah.. Why you're so weak?"

Tinitigan niya si Jessica matapos niyang tanungin 'yon. Tumindig siya at humugot ng malalim na hininga. "Jessica.. Bat mo tinatanong ang mga bagay na nakaraan na?" Ika niya.

"Hindi basta nakaraan lang yon!" Hindi na napigilan ni Jessica ang mapa taas ang boses niya. "Paano mo nagawang iwan ang isang taong nag-mamahal sayo?" Bahagyang lumapit si Jessica sa kanya.

"I don't know what's going on your mind." Pag-iiba ng usapan ni Micah at merong kinuha sa sofa. "Don't get me look like crazy." Humarap sa kanya si Jessica.

"Micah.. I want answers. I really want answers." Pag-lilinaw ni Jessica.

"You're falling.." Mahinang sabi ni Micah. Kumunot agad ang noo niya. Humarap agad sa kanya si Micah. "Nagugustuhan mo na siya kung kaya't gusto mong malaman ang nakaraan. Why don't you just accept the fact that you're not always the first." Dugtong ni Micah.

Iniwas ni Jessica ang tingin niya. Pakiramdam niya tinamaan siya sa sinabi ni Micah. Dahil nitong mga nakakaraang araw iba na ang nararamdaman niya parang merong nag-bago parang merong nabuhay muli.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon