[10] Egg Party

663 23 0
                                    

                                                 🌟Chapter [10] Egg Party🌟

[ Jessica ]

Isang mahabang katahimikan ang nagaganap ng sabihin ko sa kanya ang katagang iyon. Hinahawi ko ang mga buhok kong tumatabing sa mukha ko.

"If you don't want, It's okay." Pag basag ko ng katahimikan.

Napa tingin naman kaagad siya sa akin at tumaas ang sulok ng labi niya. "If that's what you want. Sure." Sabi niya.

Tumingin kaagad ako sa kanya. "Are you serious?" Tanong ko muli.

Baka kasi mamaya hindi naman pala, Baka kasi mamaya eh. Aasa ako pero ginagago niya lang pala ako. "Yes, I'm dead serious." Sagot niya.

Tumango tango na lamang ako sa kanya. "Gusto kong pumunta sa Virginia International University." Lakas loob kong sabi sa kanya.

Oo, Gusto kong makapasok sa eskwelahan na iyon. Gusto kong makita ang quality nito at ang mga ugali ng mga students.

Ayokong mapalipat siya sa Hilton University na. Pangit ang pag uugali niya.

"Better when the same school uniform." Iyon ang sinabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng gate at sumakay na ng sasakyan niya.

So it means? Payag siyang pumunta ako sa school nila na ako lang mag-isa. Pero paano ko naman iyon magagawa?

Kailangan ko nga pala ng Uniform nila. Basta, Ako na ang bahala doon. Kinuha ko na ang gamit ko sa loob at sumakay na ng sasakyan para makapasok na ako sa Hilton University.

Hanggang sa makarating na ako doon. Dumiretso na kaagad ako sa Classroom namin.

Wala naman nabago, Ganoon parin. Binabati parin nila ako sa tuwing papasok na ako pero hindi ko sila pinapansin.

Hanggang sa matapos na ang klase. Halfday lang naman kami ngayon. Wala na akong inaksayang oras pa.

Pumunta ako sa isang mananahi at nag search ako sa internet para makita ko ang uniform ng Virginia International University. Ipinatahi ko naman kaagad iyon. Noong una ay tinatanong tanong niya pa ako. Pero tinaasan ko na lamang siya ng boses kaya pumayag na siya. Aarte arte pa kasi eh.

Nang matapos na ang uniform na iyon. Ibinigay ko na kaagad ang bayad at pumasok ako sa Fitting room para suotin na iyon.

Tiningnan ko lamang sa malaking salamin ang sarili ko. Ayos lang naman pala sa akin at bagay naman siya.

Lumabas naman narin ako sa fitting room at naka tingin silang lahat sa akin.

Nag crossed arms naman ako kaagad. "Look more or Lose Jobs?" Inis na sabi ko. Bumalik naman sila kaagad sa mga ginagawa nila.

Kinuha ko naman narin kaagad ang bag ko at lumabas na kaagad nitong shop.

Hindi ako pweding tumawag sa Driver ko, Dahil alam ko naman na magtatanong ng magtatanong iyon kung bakit ito ang suot suot kong uniform.

Ayoko pa naman sa lahat ay ang kinukulit ako. Nag simula na akong mag lakad para makahanap ng taxi.

Sumakay naman kaagad ako ng may huminto sa harap ko. "Virginia International University." Sabi ko.

Hindi naman ito nag-salita pa, sapagkat nag maneho na lamang siya papunta sa Virginia International University.

Hindi ko pa nakikita ang school na iyon. Malaki ba iyon? O ayos lang?

Mga maaayos at madidisente ba ang mga nag-aaral doon? At mga disiplinadong tao. Hays. Kung ano ano nanaman itong iniisip ko.

Ilang sandali pa huminto na ang taxi na sinasakyan ko. Binigay ko naman rin kaagad ang bayad ko. "Salamat po." Sabi ni Manong Driver pero hindi ko narin iyon pinansin pa.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon