[36] Trespassers

592 29 7
                                    

CHAPTER [36] Trespassers
(Day 18)

Inis na lamang tiningnan ni Jessica ang pintong pinag-labasan ng asawa niya. Pagkatapos niyang i-lock. Oo, nag-away agad silang dalawa pagka-uwi nila sa sarili nilang bahay. Ang sinisisi lang naman kasi ni Kris sa nangyari ay walang iba kundi si Jessica. Kesyo, kung hindi daw nag suot ng ganoong damit siya ay wala daw ganoong mangyayari.

Pero ano ba masama sa suot ni Jessica? Hindi naman litaw ang kaluluwa nito, kung tutuusin ay napaka ayos ayos niyang manamit. Simple pero eleganteng tignan. "Tss." Yon na lamang ang lumabas sa bibig niya at tinungo ang kusina.

Lumapit siya sa ref upang kumuha ng pweding makain niya. Nakakita naman siya ng Steak at pasta. Hindi naman si Kris ang nag-luluto sa bahay pati narin siya. Pinapadalhan na lamang sila ng mga magulang nila ng isang chef at ito na ang bahalang mag-luluto at pagkatapos 'non aalis na. "Nakakainis." Sabi ni Jessica habang nag-hihiwa ng steak na nilabas niya.

Sa isip isip niya bat laging nangingielam si Kris sa suot niya. Kung hindi naman sa suot sa ayos ng buhok niya. "Wag na sana siyang bumalik." Inis na sabi niya at uminom ng tubig na nasa tabi niya lang.

Gabi na at siya nanaman ang mag-isa dito sa bahay. Wala siyang ibang kasama, balak niya sanang tawagan si Nicole pero naalala niyang wala pa nga pala siyang cellphone at hindi niya pa nahahanap kung nasaan ang cellphone niya. Hinugasan naman niya na rin ang pinagkainan niya at pagkatapos nag-punas na siya ng basa niyang mga kamay sa isang puting twalya.

Pumanik siya para pumunta sa banyo upang makapag-linis na ng katawan. Pagkatapos 'non. Pupunta na dapat siya sa Dressing Room ng mayroon siyang marinig na malakas na kalabog. "Bat pa siya umuwi." Inis na bulong niya at tumuloy na sa Dressing Room. Nagpalit agad siya ng pantulog. Habang siya ay nag-bibihis.

Ang inaakala niyang si Kris ang pumasok sa loob ng bahay nila pero nag-kakamali siya. Mga nasa lima o sampo sila, may mga dalang matitigas at makakapal na kahoy. Baseball bat naman ang iba. Oo, tama. Ito yung tinakbuhan nila noong nasa abandunadong park sila.

Pagkabihis naman ni Jessica, lumabas siya ng kwarto at sinilip kung sino ang dumating. Wala pa naman rin siya sa baba nakita niya na ang dalawang lalaking may hawak na malapad na kahoy at baseball bat. Binalutan agad ang katawan niya ng takot at kaba. Nag-tatakbo agad siya papunta sa kwarto nilang dalawa. Mahina niya itong sinara at ni-lock.

Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung sa banyo ba o sa dressing room nilang dalawa. Hinalughog niya ang mga pweding ipang-contact sa asawa niya. Pero nakakita naman siya ng iPad doon. Agad siyang nag-open ng messenger account niya upang i-chat si Kris. Ngunit hindi nga pala sila friends sa facebook. Frustrated na lamang siyang napa-hilamos sa mukha niya.

Napa lingon siya ng marinig niya ang kaluskos ng mga paa na nasa tapat lang ng kwarto nila. Napa takip siya sa bibig niya ng mag-simula na itong kumatok ng kumatok. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya, kung tatalon ba siya sa bintana na nasa kwarto nila pero masyado itong mataas.

Asan ka na ba?!! Sigaw niya sa isipan niya. Bakit kasi lagi nalang siyang iniiwan mag-isa sa bahay na to. Oo, sinisisi niya si Kris. Palagi nalang umaalis ng bahay tuwing gabi. "Locked." Nanlaki na ang mga mata niya ng makita at marinig niya na ang pagtunog ng doorknob na pilit binubuksan.

"It's so easy men, lemme show you." Bago pa man siya makita ng mga nag-sasalita na yon. Dumiretso na agad siya sa Dressing Room at nag-tago doon sa mga malalaking damit ni Kris na hindi naman siya mahahalata. Todo higpit ang takip niya sa bibig niya at pinipigilan niya ang pag hagulgol niya. Naiiyak narin siya dahil sa sobrang takot. Finish line ko na ba to? Tanong niya sa isipan niya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon