[67] Revealed

712 25 7
                                    

Chapter [67] Revealed

Dahan dahan akong gumising dahil sa sinag ng araw. Nakita kong kakamulat lang din niya at yong ngiting labi niya ang sumalubong agad sa akin. Ang pupungay ng mga mata niya.

Nginitian ko rin siya. Hinawi naman niya ang buhok kong tumabing sa mukha ko. Naka unan parin ako sa braso niya at siya naman ay naka yakap parin sa akin. "Good Morning, Baby." Napapaos niyang bati sa akin at binigyan ako ng isang halik sa labi.

"Wow! You guys are so fcking sweet, baka langgamin na kayo niyan?" Parehas kaming nagulat dahil sa boses na mas lalo nakapag pa-gising sa akin. Agad silang nilingon ni Kris habang ako ay hiyang hiya. "Shit!" Mariing sabi niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mag talukbong gamit ang comforter. Bago ako makapag talukbong nakita kong sinusuot ni Kris ang boxer niya. Pagkatapos ay narinig ko na ang pag-mumura niya sa mga kaibigan niya.

"Fck. Paano kayong naka pasok dito?!" Sigaw niya at narinig ko lang ang kga tawanan ng kaibigan niya. "Finally, bro. Hindi ka na virgin!" Narinig kong boses ni Eunhyuk habang nasa labas na sila dahil narinig ko ang padabog na pag sara ni Kris ng pinto.

"Merong dalawang polo, at saka bra sa sofa! Did you gu--"

Wala na akong narinig dahil sa tuluyan na silang nakababa siguro sa sala. Pumikit ako ng mariin at hiyang hiya ako sa nadatnan niya.

Paano silang nakapasok? And ugh! Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko at lamig na bumabalot sa katawan ko dahil sa hiya.

Seriously? Nakita nila talaga kaming ganoon?! Tanging kumot lang yung nag tatabing sa aming dalawa. Tapos, naka yakap parin ako sa kanya non.

Dahan dahan kong inalis ang pagkaka talukbong ko. Umupo ako at mahigpit na niyakap ang comforter upang matakpan ang hubad kong katawan. Tinignan ko ang buong paligid.

Nag-kalat ang mga damit namin dito, except dun sa nakita nga nila. Habang pinag-mamasdan ko ang mga ito kabod bumukas ang pinto nitong kwarto.

Iniwas ko ang tingin ko ng mag tama ang paningin naming dalawa sa isa't isa. Nahihiya ako, oo. Nahihiya ako. Sa kanya at sa kaibigan niya. "T-they're gone." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at mabilis na tumango. Dahan dahan siyang gumapang sa kama papunta sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo, ilong, pisngi at ang huli ay ang labi ko. Ngumiti na lamang ako sa kanya pagka layo niya sa akin.

"I feel sorry for what happened." Sabi niya at bahagyang yumuko. Hinampas ko na lamang ang dibdib niya. At bahagya akong tumawa. "Fck them. Ayokong makikita nila yung katawan mo." Aniya at kumunot ang noo.

"Wala naman silang nakita diba? And besides, balot na balot ako ng comforter." Giit ko.

Tumingin siya sa akin. "Basta ayoko pa rin. Nakita nila yung collar bone mo, then yung balikat mo. Yung braso mo!" Para siyang batang nag susumbong habang sinasabi niya 'yon.

Tumawa na lamang ako sa kanya at lumapit sa tabi niya. Kinurot ko ang ilong niya. "Seloso?" Natatawa kong sabi sa kanya. "More than that." Sabi niya at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pag ngiti niya.

Pero huli na, dahil nakita ko na ang kumawalang ngiti sa labi niya. Tumawa ako kung kaya't tumabi siya sa gilid ko.

Tumingin ako sa kanya. Dinampian niya ng halik ang balikat ko at ngumiti siya sa akin.

"I'm all yours." Giit ko at ngumiti. "I know.." Malambing niyang sabi sa ako ginawaran ng halik sa labi.

Inabot niya sa akin ang puting t-shirt niya na agad ko namang sinuot 'yon.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon